Pagtutuos sa SSS
February 1, 2002 | 12:00am
SUPORTAHAN natin ang kasong nilahad ng United SSS Members Inc. sa Manila regional trial court. Miski kasapi tayo ng GSIS, OWWA o RSBS, makikinabang lahat tayo kung manalo ang kaso ng USSSMI, umbrella ng 23 milyong miyembro at pensiyonado ng SSS.
Pinadedeklara ng USSSMI sa Korte na pribado at di-publiko ang pera ng SSS. Pinahihinto rin nito ang pakikipag-kontrata ng SSS sa ano mang ahensiyang pang-mass housing. At nilalabanan nito ang utos ni GMA na gamitin ang pera ng SSS sa socialized housing ng mahihirap.
Hindi tayo kontra sa mass o socialized housing. Bigyan ng disentet murang pabahay ang maralitang taga-lungsod. Isang kahig-isang tuka sila. Dapat tustusan ng gobyerno ang lupa para tayuan ng tenements na abot-kaya ang presyo ng units.
Tutol tayo sa paggamit ng pera natin sa mass o socialized housing. Kapos na nga ang pera ng SSS para sa low-cost housing ng mga kasapi, ibibigay pa sa iba na hindi naman miyembro.
Isipin na lang nila. Tayong mga kasapi, nagda-down payment ng 30 porsiyento para bumili ng low-cost housing. May 12-15 porsiyento pang interes. Itoy para maibalik agad kahit papano ang bahagi ng perang ipinang-patayo ng SSS ng units. Para nga naman may maipautang din sa ibang kasapi. At para hindi rin kapusin ang pondong pambayad ng pensiyon ng mga retirado, at disability at death benefits.
Ang SSS tulad ng GSIS, OWWA at RSBS ay mutual provident fund. Pag-aari ito ng mga kasaping naghuhulog mula sa buwanang suweldo. Nagkataon lang na mina-manage ito ng gobyerno para sa kasapian. Appointees ng Malacañang ang presidente at board trustees. Pero hindi nangangahulugang puwedeng gamitin ng gobyerno ang pera ng kasapian para sa mga proyekto nito.
Hindi umaandar ang housing programs ng gobyerno noon pa mang panahon ni Marcos dahil hindi matanggap ng gobyeno na hindi nito pag-aari ang SSS, GSIS, OWWA at RSBS. Kung kailangan ng pera sa mass o socialized housing, kunin ito sa ibang source. Huwag sa atin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended