Ipinatutupad na ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang 20 percent discount sa pamasahe ng mga estudyante at mga senior citizens sa mga pampublikong sasakyan. Pagkatapos nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng gasolina, nararapat lamang na ibaba ang kanilang pamasahe gaya nang naaayon sa batas. Ang pagbaba ng pamasahe ay malaking tulong sa mga magulang na nahihirapan nang mag-budget ng gastusin ng kanilang mga anak sa araw-araw.
Nakikiusap ako sa lahat ng mga drivers sa public vehicle na maki-cooperate at sundin ang itinatadhana ng batas.
Marami ang naiuulat na pagkamatay, pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang dahilan kaya nagpalabas ng mga panibagong patakaran si Labor Sec. Patricia Sto. Tomas sa mga pribadong recruitment agencies upang masiguro ang proteksiyon ng mga OFWs.
Bukod sa pang-aabuso sa mga OFWs dumarami rin ang mga naiulat na nagiging biktima ng mga illegal recruiters. Dahil dito iniutos ang pagpapataas ng capital ng mga recruitment agencies. Kailangan ito upang masiguro na mababayaran ang danyos sa mga OFWs kung sila ay nabiktima ng mga ahensiya at ganoon din na ng kanilang mga amo.
Malaki ang naitutulong ng mga OFWs sa ating ekonomiya kaya nararapat lamang na bigyan sila ng pamahalaan ng kaukulang proteksiyon.