^

PSN Opinyon

Madaling makahawa ang sipon at trangkaso

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
Ugaliing maghugas ng kamay kapag may mga kasama kayo sa bahay na mayroong sipon at trangkaso. Ang sipon at trangkaso ay viral infection kaya madaling makahawa. Ang pag-ubo at pagbahin ay isa sa mga paraan para maikalat ang virus. Ang mucus sa ilong at lalamunan ng mga taong may sipon at trangkaso ay maraming virus at kapag bumahin o umubo ay lumalabas ito. Maaaring maka-survive ang viruses sa loob ng ilang oras. Maaaring ang viruses ay mapunta sa doorknobs o sa telepono na ginamit ng may sipon o trangkaso kaya nga ipinapayo na ugaliing magsabon at maghugas ng mga kamay.

Ang sipon at trangkaso ay pinalulubha rin naman ng stress, exhaustion, chronic sickness o depression. Ang mga taong may sipon ay madali rin namang magkaroon ng iba pang bacterial infections na katulad ng bronchitis, earache at sinusitis. Kumunsulta sa doktor kapag nakaranas ng mga sumusunod: Nahihirapan sa pag-ubo at paghinga, problema ang paglulon ng pagkain, kapag ang dalawang taynga ay masakit, kapag may nakitang dugo sa plema at kapag mataas ang temperature ng katawan na tumatagal ng 48 oras.

Ang pagkain nang maraming citrus fruits at pagkaing mayaman sa zinc ang isa sa mga pinakamabuting paraan para malabanan ang pagkakaroon ng sipon at trangkaso. Pinatitibay kasi ng mga pagkaing ito ang immune system. Bukod sa mga prutas, napakainam ding kumain ng sariwang gulay. Ang chicken soup ay mahusay din sa mga taong may sipon sapagkat ito ay mayaman sa protein, calories at minerals.

BUKOD

KAPAG

KUMUNSULTA

MAAARING

NAHIHIRAPAN

PINATITIBAY

SIPON

TRANGKASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with