^

PSN Opinyon

Editoryal - Iligtas muna ang mga bihag

-
Samu’t sari na ang naglalabasang isyu ngayon sa pagdagsa ng mga sundalong Amerikano. Parami nang parami ang kumukontra at dumudugo ang kalsada patungo sa Malacañang dahil sa dami ng nagpoprotesta. Hindi na natahimik ang Mendiola dahil sa araw-araw na pagmamartsa roon. Magiging Afghanistan na raw ang Pilipinas at may nagsabing magiging Vietnam. Marami pang maiinit na balitaktakan at sinisisi na ang gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pakikikutsaba sa United States. Nilalabag daw ang Konstitusyon. Pati si Vice President Teofisto Guingona ay pinaratangang taksil dahil sa pag-bow sa pagdagsa ng mga sundalong Kano. Si Guingona ay isa sa mga tumutol sa Visiting Forces Agreement (VFA) noon.

Okey lang naman ang batikos sa pagdagsa ng mga Kano dahil nasa malayang bansa tayo. Sa isang banda, nakikita naman naming ang totoong isyu ay hindi natututukan nang marami. Unang-una, nalilimutan na may tatlong buhay na sa kasalukuya’y hawak ng mga walang kaluluwang bandido. Kailangang masagip ang tatlong buhay na ito bago pa intindihin ang nagsusulputang problema. Ang tatlo na walong buwan nang nasa piling ng mga bandido ay sina Martin at Gracia Burnham at ang Filipina nurse na si Deborah Yap. Sa takbo ng nangyayari ngayon, na tila ginagamit ng isyu ng mga magkakalabang pulitiko ang Balikatan 2002, wala nang nag-aalala sa tatlong bihag. Hindi na naiisip kung ano na ba ang nangyayari sa tatlong bihag. Buhay pa ba ang mga ito o patay na? Habang nagbabalitaktakan ang mga senador at humihiyaw ang mga militanteng grupo, umiiyak naman ang mga magulang at kamag-anak ng tatlong bihag. Wala na silang marinig sa kasalukuyan tungkol sa mga bihag dahil natatakpan na ang tunay na isyu – ang mailigtas ang mga ito.

Maraming beses nang nagbigay ng taning ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ganoon din si GMA sa mga bandido subalit walang nangyari. Isang katotohanan nang kahinaan ng military. Kung may masamang mangyari sa tatlong bihag, paduduguin din kaya ng mga pulitiko at militanteng grupo ang kalsada para kondenahin ang kasamaan ng mga bandido? Marami ang naliligaw sa isyu at hindi masapol na kailangang mailigtas muna sa lalong madaling panahon ang mga kawawang bihag. Kapag nailigtas na ang mga bihag at hindi pa umaalis ang mga Kanong banta umano sa kasarinlan ng bansa, saka tayo magsama-sama para sila itaboy. Ang mahalaga ngayo’y mailigtas muna ang tatlong bihag sa mga kuko ng halimaw.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BIHAG

DEBORAH YAP

GRACIA BURNHAM

KANO

MAGIGING AFGHANISTAN

MARAMI

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SI GUINGONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with