Ang pagbabagong-loob ni Pablo
January 25, 2002 | 12:00am
Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng pagbabagong-loob ni Pablo. Ang pangyayaring ito ay napakainam na isinalarawan sa Gawa ng mga Apostol. Si Pablo mismo ang nagbigay sa atin ng mga makasaysayang detalye. Sina Pedro at Pablo ay ang mga dakilang haligi ng Simbahan. May panahon sa kanilang buhay na kapwa sila naging mga makasalanan.
Ang kuwento ng pagbabagong-loob ni Pablo ay nakakabighaning kuwento. Basahin ninyo ito.
Ano ang sinasabi nito sa inyo? (Gawa 22:3-16).
"Akoy isang Judio, ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Nag-aral ako kay Gamaliel at buong higpit na tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Tulad ninyong lahat, akoy masugid na naglilingkod sa Diyos. Inusig ko at ipinapatay ang mga sumusunod sa Daang ito. Ipinagapos ko at ipinabilanggo sila, lalakit babae. Makapagpapatotoo tungkol dito ang pinakapunong saserdote at ang kapulungan ng matatanda. Binigyan pa nila ako ng mga sulat para sa mga Judio sa Damasco, at pumunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod doon at dalhin dito sa Jerusalem upang parusahan.
Magtatanghaling-tapat noon at malapit na ako sa Damasco. Biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Nasubasob ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin, Saulo, Saulo! Bakit mo ako pinag-uusig? Akoy sumagot, Sino po kayo, Panginoon? Akoy si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinag-uusig, tugon niya. Nakita ng mga kasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin. At akin ding itinanong, Ano po ang gagawin ko, Panginoon Ang tugon sa akiy, Tumindig ka at pumunta sa Damasco. Sasabihin sa iyo roon ang lahat ng dapat mong gawin. Nabulag ako dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kayat akoy inakay na lamang ng mga kasama ko papasok sa Damasco.
May isang lalaki sa Damasco na ang pangalay Ananias. Siyay taong may takot sa Diyos, tumutupad sa Kautusan, at iginagalang ng mga Judiong naninirahan doon. Pinuntahan niya ako, tumayo sa tabi ko at sinabi sa akin, Kapatid na Saulo, makakakita ka na. Noon diy nanauli ang aking paningin at nakita ko siya. Sinabi pa niya, Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Banal na Lingkod at marinig ang kanyang tinig. Sapagkat ikaw ay magiging saksi niya upang patotohanan sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. At ngayon, huwag ka nang mag-atubili. Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabautismo, at magiging malinis ka sa iyong mga kasalanan.
Ang biyaya ng Diyos ay makapangyarihan. Maaari tayong papagbaguhin ng Diyos sa pamamagitan ng mismong mga kasalanang ating nagagawa. Mula sa pagiging masama, tayo ay napapagbago na maging mabuti. Huwag tayong maunsiyami o di-kayay madesperado. Tayoy laging dapat na maging punung-puno ng pag-asa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended