Editoryal - Tulungang makabangon ang bansa
January 24, 2002 | 12:00am
Maraming jobless na Pinoy ang nagpapakamatay para lamang makakuha ng trabaho. Makikita ang haba ng pila ng mga nag-aaplay at walang katiyakan kung kailan sila matatanggap. Marami ang umuuwing laglag ang balikat dahil walang makuhang hanapbuhay. Isa ito sa mga mabibigat na problema ngayon ng Arroyo administration kung paano mabibigyan ng trabaho ang mga Pinoy na naapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya.
Dahil sa pagkalugi, maraming pabrika o kompanya ang hindi nakapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa. Kahit pa nagbanta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kompanya, marami pa rin ang sumuway. Katwiran ng kompanya sa kanilang mga empleado, ibibigay ang 13th month pay o magsasara. Ang sakit! Wala namang magawa ang mga empleado kundi tanggapin ang kapalaran. Mas mahirap na walang trabaho sapagkat kawawa ang kanilang pamilya.
Sa kabilang dako, bagamat may mga empleadong handang "maapi" huwag lang mawalan ng trabaho, marami rin naman ang mga empleadong sa kabila na may magaganda nang benepisyong tinatanggap ang gusto pay "patayin" ang kompanyang pinagkukunan ng ikabubuhay. Ang aksiyon ng mga manggagawa para paralisahin ang kanilang kompanya o pabrika sa panahong ito na nasa krisis ang ekonomiya ng bansa ay masamang tanawin na ang kahahantungan ay pagbagsak at pagkagutom ng pamilyang umaasa.
Isa sa mainit na balita ngayon ay ang nangyayaring strike sa Nestlé Philippines sa Cabuyao, Laguna. Ang Nestlé ang pinakamatandang Nestlé factory sa bansa na gumagawa ng gatas pambata at iba pang produkto. May 800 empleado roon. Maganda ang mga benepisyo sa mga empleado na may average annual income umano na P490,000. Sa kabila niyan, mayroon pa silang ipinaglalaban na ayon naman sa management ay wala na sa katwiran. Umaksiyon na ang DOLE sa kaso subalit matigas ang union. Dahil sa strike, nahaharap ngayon sa kakulangan ng gatas ang bansa at mga karatig na bansa sa Asia. Mas mabigat ang kahaharaping hirap ng pamilyang umaasa sa nagwewelgang union member.
Hindi kami para sa Nestlé o para sa mga union members, ang sa amiy mas maganda sana kung isantabi muna ang pagkakahati-hati at magtulungan ang empleado at management upang maiwasan ang anumang problema. Bigyan ng pagkakataong gumanda muna ang ekonomiya saka pag-usapan ang mga deperensiya. Huwag ngayong nakalubog sa hirap ang bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest