Malinis na mangga
January 21, 2002 | 12:00am
Sa Wakas, makalipas ang 10-taong negosasyon, pumayag na rin ang US mag-import ng mangga mula sa Pinas. Magsisimula ito sa darating na ani ng prutas sa Guimaras.
Nakumbinsi ng Department of Agriculture ang sobrang-istriktong US officials na "malinis" ang mangga sa Guimaras. Isla kasi ito na hiwalay sa Iloilo. Mahigpit ang provincial officials sa pagpasok ng kahit anong uri ng prutas sa isla, dahil baka may fruit flies at iba pang insekto na makakasama sa tao. Kulong ang parusa sa mahuli. Ganun din kahigpit ang Amerika sa pagpasok ng prutas. Pati nga prutas na sine-serve sa eroplano, bawal ipasok; $2,000 (tumataginting na P100,000) ang multa.
Matagal nang mahigpit sa Guimaras. Pero ngayon lang nakuha ng Bureau of Plant Industry-Plant Quarantine Service ang go-signal ng US. Ang sekreto ay nasa negosasyon ni Agriculture Sec. Jeremias Montemayor sa US officials nung Washington visit ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo nung Nobyembre.
Nabanggit ng US officials kay Montemayor na yun palang makina na ginagamit ng US Postal Service para patayin ang anthrax bacteria ay mabisa rin sa pagsugpo ng fruit flies at iba pang insekto. Dahil sa anthrax scare, idinadaan lahat ng sulat sa makina na may "black light." Sampung segundo lang, dead ang anthrax.
"E kung ganun pala, bigyan niyo kami ng ganyang makina," ani Montemayor, "para idaan namin ang mangga namin sa black light. Kung kontento kayo na mabisa ito sa kalusugan niyo laban sa anthrax, e di dapat makontento rin kayo na mabisa ito sa fruit flies." Napatango na lang ang mga Kano.
Kaya happy ngayon ang planters at exporters ng mangga sa Guimaras. Nadagdagan ng isa pang bansa na mabebentahan nila ng prutas. Nung Mayo 2001 lang muli pumayag ang Australia na mag-import ng mangga, makalipas ang walong taong pagbabawal. Mas mahigpit ang Australia kaysa US. Mas marami namang Pinoy sa US na bibili ng mangga mula sa Pinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended