^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sampulan ang mga drug traffickers

-
Patindi nang patindi ang operasyon ng sindikato ng droga. Habang tumatagal ay palala nang palala ang pagpapakalat nila ng shabu hindi lamang dito sa Metro Manila kundi sa mga liblib na lugar sa bansa. Kung noon ay ibinibiyahe pa mula sa China ang talaksan ng shabu at ibabagsak sa mga probinsiyang nasa tabingdagat, ngayo’y hindi na. Dito na mismo sa Pilipinas at sa mataong lugar pa nagluluto ng shabu.

Kamakalawa’y isang laboratoryo ng shabu ang sinalakay ng Philippine National Police-Anti Narco-tics team sa 93 Araullo cor. Montessori St., Bgy. Addition Hills, San Juan. Pitong Chinese ang nasorpresa habang nagluluto ng shabu dakong alas-kuwatro ng hapon. Nakakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P100-milyon. Pawang mga hi-tech equipment ang ginagamit ng pitong Chinese kung kaya hindi maamoy ang nilulutong shabu. Ang pitong suspect ay pawang nagmula sa Fujian, China.

Ang San Juan ay ipinagmamalaki ni dating President Estrada at maging ng kanyang anak na si da-ting Mayor Jinggoy na "drug-free" subalit sa taya ng pulisya mahigit na umanong limang taon na nag-ooperate ang shabu laboratory.

Talamak ang problema sa droga ng bansang ito at mula nang maupo si President Gloria Macapagal-Arroyo ay wala pang nasasampulang drug trafficker sa kabila na kamatayan ang parusa sa lumalabag dito. Ang mga drug traffickers na namamayagpag pa noong panahon ni dating President Estrada ang mga namamayagpag pa rin ngayon. Paano’y wala silang kinatatakutan sapagkat ang kanilang galamay ay nakakapit na sa mga ahensiya ng pamahalaan na pinamumunuan ng mga corrupt na opisyal.

Maski ang mga corrupt na mayor at gobernador sa mga lalawigan ay pinaiikot na rin ng mga sindikato kaya hindi masugpo ang salot ng lipunan. Ilang buwan na ang nakalilipas, nahulihan ng 500 kilo ng shabu si Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan, Quezon.

Sa kabila na tambak ang nakukumpiskang shabu, isang malaking katanungan din kung saan napupunta ang mga ito sapagkat wala nang nababalita pa. Marami ang naniniwala na ang nakukumpiskang shabu ay niri-ricycle ng mga corrupt na miyembro ng PNP at NBI at pinagkakakitaan. Isang malaking katanungan din kung paano nakalulusot ang mga Chinese sa bansa. Isang katotohanan na mayroon silang kontak sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Gawin sanang dibdiban ng PNP at NBI ang kampanya laban sa mga drug traffickers upang mailigtas ang bansa sa pagkasira. Sampulan sila ng parusang kamatayan. Kung hindi ganito ang gagawin ng pamahalaan, hindi mauubos ang mga salot.

ADDITION HILLS

ANG SAN JUAN

ISANG

MAYOR JINGGOY

MAYOR RONNIE MITRA

METRO MANILA

MONTESSORI ST.

PRESIDENT ESTRADA

SHABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with