Mga pagkaing kailangan para hindi magka-cramp
January 20, 2002 | 12:00am
Marahil ay nakaranas na kayo ng pulikat o cramp na kadalasang sa binti o mga paa tumatama. Napakasakit nito na habang nagpipilit kang huwag gumapang ang sakit ay lalo lamang nagpupumilit at hindi nyo malaman ang gagawin para ito tumigil. Ang cramp ay involuntary conraction ng alinman sa mga muscle sa ating katawan.
Kapag ang cramp ay nangyari habang o pagkatapos ng pag-eexercise, ito ay resulta ng gradual buildup ng lactic acid dahil sa aktibidad ng mga muscle. Isang dahilan din ng cramp ang pagkakaroon nang masyadong mabigat na exercise. Itinuturo ring dahilan ang klimang mainit o humid na nagiging daan para ma-dehydrate dahil sa grabeng pagpapawis lalo na nga kung nag-eexercise. Para maiwasan ang pagka-dehydrate, uminom ng maraming tubig bago o habang nag-eexercise o di kayay pagkatapos nito.
Ang pagmamasahe o stretching sa bahaging may cramp ay malulunasan ang problema. Subalit sa lahat ng ito ang pinakamabisang paraan para hindi magkaroon ng cramp ay ang mahusay na nutrition. Ang leg cramps ay isang palatandaan na kulang sa calcium. Ang calcium ay lubhang kailangan ng katawan para sa muscle contraction. Ang mga pagkaing mataas sa calcium ay kinabibilangan ng dairy products, sesame seeds at sardinas. Ang pagkaing mayaman sa Vitamin B2 na matatagpuan sa breakfast cereals, yoghurt at lean meat ay mahusay din para maiwasan ang cramps lalo na ang tumatama sa mga athletes. Mahusay din ito sa cramps na nangyayari sa mga buntis o doon sa mga may diabetes.
Ang Magnesium na matatagpuan sa mga seeds at nuts ay maaari ring makatulong para maiwasan ang cramp. Ang pagkain naman ng mayaman sa Vitamin E ay makatutulong para pagbutihin ang circulation ng dugo na nagiging dahilan sa cramp lalo na iyong nangyayari kung gabi. Maiiwasan din ang night cramps kung kakain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin B12 na matatagpuan sa isda, itlog, cheese at pork.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended