Sekreto ni Tetong
January 19, 2002 | 12:00am
HABANG tumatagal ang aming pagsasama ni Tetong, lalo kong napapansin ang marami niyang katangian. Mayroon akong naipon na mahigit isang dosenang kahanga-hanga niyang ugali. Hindi ko naman siya matanong sa kanyang katangian sapagkat ipagkakaila lamang niya. Mapagkumbaba kasi si Tetong. Kaya si Neneng ang binalak kong kausapin ngunit wala akong pagkakataon. Tuwing naroon ako sa bahay nila ay naroon din si Tetong.
Isang araw, sinadya ako ni Neneng sa klinika sa nayon. Karga nito ang anak na may sakit. Dumating na nag-iisa dahil si Tetong daw ay nasa bukid. Iyon ang magandang pagkakataon na magtanong kay Neneng tungkol kay Tetong. Ginamot ko muna ang bata saka kinausap nang masinsinan si Neneng.
Alam mong malapit si Tetong sa akin. Marami siyang katangian na hinahangaan ko. Sa iyo Neneng, bakit si Tetong ay isang ulirang asawa.
Habang iniuugoy ang anak na kandung-kandong ay nagsalita si Neneng. "Si Tetong ay ulirang asawa dahil iniintriga niya ang lahat ng kita sa aming bukid. Ginagawa po niya ito mula nang kami ay ikasal hanggang sa ngayon.
Mayroon pa ba?
Wala na po.
Nabigla ako sa sagot ni Neneng. Para kay Neneng ang pag-iintriga ng lahat ng kita ang tanda ng pagiging ulirang asawa ni Tetong.
Kinabukasan, nagkita kami ni Tetong. Kinumusta ko. Ano ba ang sekreto mo sa buhay at ikaw ay laging matatag?
Simple lang," sagot ni Tetong. "Ito ay narinig ko sa tatay ko. Sabi niya na ayon sa Bibliya: Ano man ang problema, ano man ang hirap ay lilipas din. Ano sa palagay mo Doktor?
Naisip ko, dapat ang mga taga-siyudad ay gayahin ang pananaw ni Tetong sa buhay. Lahat ng problemay me solusyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended