^

PSN Opinyon

Mga kabataang naliligaw ng landas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Kapansin-pansin na maraming kabataan ngayon ang nasasangkot sa kaguluhan. Halos araw-araw ay may nababalitang patayan. Isinisisi ang kaguluhan sa pag-aaway ng magkalabang fraternity. Kapag napaaway ang isang miyembro ay madugong labanan ng mga grupo ang kasunod. Madugong rambolan na. Marami na ang namatay sa walang kabuluhang pag-aaway. Mga kabataang edad 13 pataas ang sangkot sa kaguluhan. Karamihan ay mga estudyante sa high school. Ang matindi, may mga armas na silang kutsilyo, pana, sumpak, pillbox at baril.

Naalala ko ang isang pangyayari noong December habang nagsisimbang-gabi sa San Felipe Neri Church sa Mandaluyong City. Isang tinedyer ang pinagtulungang bugbugin ng isang grupo ng kabataan na umano’y kaanib sa fraternity. Naganap ang insidente sa San Rafael Street. Madalas umanong magbatuhan ang dalawang grupo sa naturang kalye at napipinsala ang mga bahay at tindahan. Inireklamo na ang mga kaguluhang ito ng mga residente pero wala namang aksyon ang mga barangay officials. Maraming insidente ng fraternity war doon ang na-report sa pulisya.

Isang dalagita na kasisimba lang ang tinamaan ng bala ng baril sa isang fraternity war sa Sta. Cruz, Maynila. Samantala’y limang kabataan ang malubhang nasugatan matapos na hagisan ng pillbox sa Caloocan City. Inirereklamo rin ng mga residente ng Quezon City ang walang katapusang fraternity war sa Cubao at Fairview. Sa Pasay City ay marami ring estudyante ng high school na miyembro ng fraternity ang nagrambolan.

Ang tanong, ano ang ginawa ng kapulisan ng Metro Manila para masawata ang fraternity war na madalas na magwakas sa kamatayan? At nasaan ang mga magulang ng mga kabataang ito na hinahayaang mapahamak ang kanilang mga anak dahil sa pagsanib sa fraternity? Huwag silang hayaang maligaw.

CALOOCAN CITY

FRATERNITY

ISANG

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

QUEZON CITY

SA PASAY CITY

SAN FELIPE NERI CHURCH

SAN RAFAEL STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with