Upang maisakatuparan ang mga mithiing ito, naglaan ang pamahalaan ng P20 bilyon para sa programang pabahay. Ang mga nagnanais magkaroon ng sariling bahay ay maaaring makahiram sa Pag-IBIG, Social Security System (SSS) at Goverment Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng kanilang programa sa pabahay.
Isang magandang halimbawa ng pagsasakatuparan ng proyektong pabahay ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay nadama ng may 3,500 pamilya sa Fil-Oil sa Rosario, Cavite. Ang Fil-Oil Company ay nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine National Oil Company. Naglaan ang ating pamahalaan ng P100 milyong budget para isakatuparan ito. Nag-umpisa na ang pagtatayo ng 143 bahay sa isang ektaryang lupa.
Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay abot-kamay na ng ordinaryong mamamayan. Makaaasa po ang lahat na bibigyang buhay ng ating pamahalaan ang mithiing ito.