^

PSN Opinyon

No plates patay kay Lasti

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Panahon na para ipatupad ni LTO bossing Bobby Lastimoso ang pag-impound sa mga sasakyang walang plaka hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa.

Number one abusado rito ang mga kamoteng motorcycle cop na kadalasang nakikitang iskort sa mga patay at kasalan blues, back-up vehicles ng mga taga-gobyerno, ambulansiya, PNP mobile cars at pribadong sasakyan ng pulis at militar. Ito ang dahilan kaya tuloy ang mga dambuhalang buses sa kahabaan ng EDSA at maging ang mga nakapilang baby buses sa may Redemptorist Church, Baclaran ay nakigaya na ring bumiyahe ng walang plaka.

Hindi pansin ni Juan dela Cruz ang ganitong uri ng pang-aabuso pero malaking problema ito kapag may nangyaring aberya.

Kitang-kita ni Juan dela Cruz sa ilang pangunahing lansangan kung paano rumampa ang mga motorcycle cops. Nagmamadali sa akalang aayusin ang trapiko iyon pala padadaanin lang ang karo ng patay o bridal’s car na iniiskortan nila.

Hindi secret sa publiko na maraming motorcycle cop ang nakaistambay sa NAIA sa buong akala na may operasyon laban sa colorum vehicles. Iyon pala iskort sa mayayamang Hapones? Walang plate number at nameplate ang mga ito kaya hindi sila makilala basta ang alam ‘‘hagad’’ sila.

Tandem si Lasti at General Romy Maganto sa LTO kaya inaasahang mababago ang ihip ng hangin sa nasabing opisina.

‘‘Sa palagay mo gumalaw kaya si Lasti at Maganto sa isyung ito?’’ tanong ng kuwagong haliparot sa kabaret.

‘‘Naku ha? Hindi biro ang tandem na ito,’’ sagot ng kuwagong naghuhukay ng sariling libingan.

‘‘Walang magpapa-bright-bright na tatakbong sasakyan nang walang plaka o conduction sticker kapag nabasa ni Lasti at Maganto ito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘May mga balls ba sila?’’ tanong ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Tiyak dala nila ito at hindi puwedeng iwanan. Subok sila ng bayan," sagot ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Eh, paano naman ang plastic license natin? Ang tagal i-release, bayad na bibilang ka pa ng buwan.’’

‘‘Bahala si Lasti rito. Madaling kumuha ng kapalit.’’

‘‘Aasahan ng bayan iyan.’’

‘‘Siguraduhin mong may pagbabago sa LTO.’’

‘‘Di ba nagbago na?’’

‘‘Ano ang nagbago?’’

‘‘Mga mukha ng tao rito.’’

‘‘Aling mukha?’’

‘‘Mukha ng mga fixer.’’

‘‘Fixer ng ano?’’

‘‘Semento! Iyon lang."

vuukle comment

BOBBY LASTIMOSO

CRUZ

GENERAL ROMY MAGANTO

IYON

KOTONG COP

LASTI

MAGANTO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with