^

PSN Opinyon

EDSA 2 anniversary gawing simple

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang malakihang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng People Power II sa Enero 20. Nangangamba ako na maaaring dumating sa hindi maganda ang kalalabasan ng paggunita sa ipinakitang lakas ng pag-aaklas ng mamamayang Pilipino laban kay dating President Joseph Estrada.

May mga basehan na hindi lamang tsismis na balita na balita na may namumuong lakas upang magsagawa ng kudeta laban sa gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Ang masakit nito, mga dating kasamahan at tagasuporta ni GMA ang nais ngayong magpatalsik sa kanya.

Ang isa pang grupo na hanggang ngayon ay ngitngit na ngitngit pa rin upang makabawi kay GMA ay ang kampo ni Erap. Hindi nila matanggap na naisahan sila ng tinatawag nilang ‘‘isang babaeng kulang sa sukat’’ ngunit ngayon ay nakikitan nilang isa palang matinik na higante sa tibay ng dibdib at galing sa pag-iisip.

Subalit lumalabas na hindi lamang ang mga ito ang gustong sumuwag kay GMA. Nariyan ang iba’t ibang grupo ng militanteng ‘‘civil society, mga makakaliwa, maka-sentro at maka-kanan na nagpahiwatig na hindi sila sumasang-ayon sa pamamalakad ni GMA. Sa katunayan, parami nang parami ang mga kumakalaban ngayon kay GMA imbes na suportahan ito.

Kung kaya’t sinasang-ayunan ko ang panukala ng ilang may matitinong pag-iisip at may magandang hangarin upang mapalayo ang ating bayan sa kaguluhan. Ipinagdidiinan nilang huwag nang ituloy pa ang pagtatanghal ng malawakan at malakihang selebrasyon ng People Power II. Gunitain na lamang ito ng simple. Isa pa, maliban sa makakaiwas sa gulo at panganib, makakaligtas pa ang bansa sa walang kakuwenta-kuwentang malaking gastusin.

ENERO

ERAP

GUNITAIN

IPINAGDIDIINAN

ISA

NANGANGAMBA

PEOPLE POWER

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with