^

PSN Opinyon

Kailangan ang pagkakaisa para umunlad ang ekonomiya

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
KAUUMPISA pa lamang ng 2002 subalit marami nang bumabatikos sa Arroyo administration. Wala pang isang taon ang administrasyon subalit naging bali-balita ang diumano’y kudeta. Ngunit sa kabila nito, nananatili pa ring matatag ang paninindigan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nakatuon ang kanyang pansin sa pagsulong ng ating bansa laban sa kahirapan.

Kailangang simulan natin ang taon na ito na may pagkakaisa at layunin para sa bansa. Kagaya ng panawagan ng ating Presidente na paghilumin ang sugat at magkaroon ng rekonsilyasyon sa bawat sektor ng lipunan. Magandang pangitain ang panawagan na bukas ang kanyang administrasyon sa lahat, oposisyon man o kakampi, upang magkapit-bisig para iangat ang bansa.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa pag-unlad ng ekonomiya ang higit nating kailangan ngayon. Napag-iiwanan na tayo ng mga karatig nating bansa. Hindi napapanahon ang pagsisisihan ngayon. Mag-iisang taon pa lamang ang administrasyon at napakaaga para sisihin kung hindi pa natutupad ang mga pangakong reporma sa ekonomiya. Sa kabila ng mga problema ng ating bansa, naging matatag naman ang ating pamahalaan sa pagtaguyod ng mga programa at proyekto nito at naging maayos ang takbo. Patuloy pa rin ang malinis na adhikain ng pamahalaan na pagsilbihan ang taumbayan.

BANSA

KAGAYA

KAILANGANG

MAGANDANG

NAKATUON

NAPAG

NGUNIT

PATULOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with