Pero pag sa media bumomba ng argumento ang abogado, walang umaawat. Kaya inaabuso na ng ilan sa kanila ang media, para lang maka-score para sa kliyente.
Halimbawa na ang abogado ni Pacifico Marcelo, US businessman na nag-akusa kay Presidente Arroyo ng pang-aagaw kuno ng telecoms firm niya. Anang abogado, hina-harass ni Immigration Commissioner Andrea Domingo ang kliyente niya. Itoy sa pamamagitan daw ng pag-issue ng arrest order. E, kaya naman pinaaaresto ni Domingo si Marcelo ay dahil tatlong beses na nitong binale-wala ang summons para sumipot sa BID at patunayang Filipino citizen siya. Ayon kasi sa US embassy, US citizen si Marcelo. Ayon naman sa Constitution, bawal umari ng utilities, tulad ng telecoms, ang sinumang dayuhan. Naka-file sa SEC na dalawa ang telecoms firms ni Marcelo, kaya kailangan ng paglilinaw.
Pang-iipit daw ito sa foreign investors, anang abogado. E, ano nga ba si Marcelo, foreigner o Pinoy? May papeles daw siyang nagpapatunay ng Filipino citizenship. Kung meron nga, bakit hindi ibigay sa BID? Bakit naghintay pa ng arrest order makalipas ang ilang buwan? Bakit sa media tumatakbo ang abogado, imbis na sa BID?
Isa pang magulo ang abogadong Cong. Didagen Dilangalen, yung somekat last year sa pag-heyaw ng "Mester Speker, Mester Speker." Dapat daw, magpa-snap election si Gng. Arroyo para matigil ang coup rumors. Nagbabasa ba siya ng Constitution? Puwede lang mag-snap election kapag sabay nag-resign ang Presidente at Bise. Saka lang uupong acting President ang Senate President para magpa-snap election sa loob ng 60 araw. Kung basta magpa-snap election si Gng. Arroyo, puwede siyang ma-impeach sa paglabag ng Constitution.
Pakiwari ko, di naman talaga hangad ni Dilangalen na matigil ang coup rumors. Gusto niya lang ma-headline. Inabuso lang ang media.