Editoryal - Iligtas ang mga bata sa polio virus
January 13, 2002 | 12:00am
Dalawang taon na ang nakararaan, inihayag ng World Health Organization (WHO) na polio-free ang Pilipinas. Marami ang nagsaya sa balitang iyon ng WHO sapagkat wala nang mapipinsalang mga bata dahil sa pagsalakay ng virus na tinatawag na poliomyelitis. Ligtas na sila sa habambuhay na kapansanan. Ang pagkawala ng polio virus ay dahil sa isinagawang pagbabakuna 40 dekada na ang nakalilipas. Bumaba ang bilang ng mga batang nabibiktima hanggang sa tuluyang mawala ito sa Pilipinas.
Subalit ang pagkatakot sa polio virus ay muling nabuhay makaraang ihayag ng Department of Health (DOH) noong Martes, na may mga batang nabiktima na naman ng sakit. Sinabi ng DOH na tatlong bata ang nabiktima ng polio at ang mga ito ay mula sa Cavite, Laguna at Cagayan de Oro City. Bagamat tatlo pa lamang naiuulat na biktima ng polio, naalarma ang DOH at agad nagdeklara ng paglaban dito. Isang national polio immunization campaign ang isasagawa sa February 2-8 at uulitin ng March 2-8, 2002. Ang kampanyang ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng WHO, United Nations Childrens Emergency Fund at Rotary Club International. Tinatayang gagastos sa kampanyang ito ng P256 million.
Ang polio ayon sa mga health officials ay galing sa virus at naililipat dahil sa maruming pagkain at tubig. Karaniwang tinatamaan nito ang mga sanggol at mga batang wala pang limang taong gulang. Naniniwala ang WHO na ang virus ay lumalaganap na sa bansa at nasa panganib ang mga batang nasa mga liblib na barangay na hindi nasisilip man lamang ng mga health workers. Sinabi ng DOH na magbabahay-bahay sila sa buong bansa upang masiguro na ang lahat ng mga sanggol o bata ay mababakunahan sa polio. Ang bakuna ay libre.
Ang nakapangangambang balitang ito tungkol sa pagkalat ng polio virus ay nararapat pagtuunang mabuti ng pansin ng pamahalaan. Sa dami ng mga nagdaranas ng kahirapan, mas lalong kaawa-awa kung pati ang mga sanggol ay mabibiktima ng virus at sasalantain ang kanilang katawan. Isang puspusang kampanya ang isagawa ng DOH upang ganap na malaman ng mga magulang ang isasagawang immunization. Galugarin ng mga health workers ang mga liblib na pook, barangay, squatters area upang ganap na mabigyang tulong ang mga bata. Iligtas sila sa polio.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am