Kulang sa pag-iisip
January 12, 2002 | 12:00am
Ang krimeng panggagahasa ay nagaganap kung may sexual intercourse na labag sa kalooban ng babae. Kalimitan, ito ay ginagawa na may pamimilit at dahas. Pero dito sa kaso ni Cecilia walang pamimilit ngunit may rape.
Si Cecilia ay nagkasakit ng meningitis noong siya ay sanggol pa lamang at ito ay nagtuloy sa epilepsy kalaunan. Hanggang first year high school lang ang inabot ni Cecilia.
Minsan isang tanghali, pumunta si Cecilia kina Allan upang kunin ang mga magasing hiniram. Ang bahay nina Allan ay katapat lamang nina Cecilia. Kaagad isinara ni Allan ang mga bintana at pintuan. Siya lamang ang nasa bahay nang oras na iyon. Naisagawa ni Allan ang kamunduhan kay Cecilia nang walang anumang pagtutol o panlalaban mula sa biktima. Hindi man lamang ito sumigaw para makahingi ng tulong.
Pero sa kanyang salaysay, sinabi ni Cecilia na may katabing itak si Allan nang siya ay gahasain. Kahit walang pananakot bago ito maganap ay binantaan naman siya ni Allan na papatayin kung magsusumbong ito sa ina. Hindi nagtagal at nagsumbong din si Cecilia sa ina. Inakusahan ng mag-ina si Allan ng rape. Bilang depensa sinabi ni Allan na hindi raw niya ni-rape si Cecilia dahil wala naman daw pamimilit at ito ay normal namang babae ayon sa itsura nito. Tama ba si Allan.
Mali. Kahit si Cecilia ay nakakakilos nang normal, siya ay may organic mental disorder at ang kanyang desisyon ay kahalintulad lamang nang sa batang edad na anim o pitong gulang dala ng kanyang pagkakasakit ng meningitis noong bata pa. Ang alegasyon ni Allan na nakatapos ito nang isang taon sa high school ay hindi basehan dahil ang edukasyon ay hindi sukatan ng kaisipan ng tao. Kahit hindi sira ang ulo ni Cecilia, siya ay epileptic na nagdudulot ng brain damage o disorder kaya hindi siya hayagang makatutol o pumayag sa kamunduhang ginawa sa kanya. Dahil dito, si Allan ay nagkasala. (People vs Antonio, GR# 107950, June 17, 1994)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest