Editoryal - Dinggin ang sigaw
January 12, 2002 | 12:00am
Kahit hindi mabasa ang mga pahayag ni Manila Archbishop Jaime Cardinal L. Sin sa newspaper advertisement kamakalawa, makikita ang katotohanan na wala pa ngang pagbabago sa buhay ng mga dukha. Marami pa rin ang naghihirap at marami pang nakaliligtaan sa kabila na may ipinangako si President Gloria Macapagal-Arroyo noong January 20, 2001. Nakikita ang katotohanan sa hirap ng buhay na marami pa rin ang isang kahig, isang tuka. Wala pa ring sapat na pagkain sa hapag at pirmihang trabaho na ipinangako pagkaraang patalsikin ang isang Presidenteng corrupt.
Nasa isipan pa ng marami ang paghahalimbawa ni GMA sa mga bangkang papel na ipinaanod sa Pasig River ng tatlong batang mahihirap mula sa Payatas na aniyay tinangay sa Malacañang. Isang pagpapakita na natatanggap niya ang anumang karaingan ng mahihirap. Walang nakaaalam kung ano na ang kalagayan ng tatlong batang iyon na dinala sa Malacañang. Hindi kaya panibagong bangkang papel na naman ang kanilang ginagawa para ulitin ang karaingang makapag-aral, makatira sa isang disenteng bahay at magkaroon ng pirmihang trabaho ang kanilang mga tatay.
Maraming nakaliligtaan ang pamahalaan. Bukod sa nakaiinip na paghango sa mga mahihirap sa kumunoy ng karukhaan at napababayaang mga kabataan, hindi magawang durugin ng pamahalaan ang corruption. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga ganid sa maraming ahensiya ng pamahalaan.
Ang pagkalat ng bawal na gamot ay tulad na sa kanser na hindi na magamot. Hindi mapigilan ang pagdagsa sa bansa ng mga dayuhang drug traffickers na ang galamay ay nakakapit na sa mga opisyal ng bayan gaya ng mayor, governor at barangay.
Sa kabila na sunud-sunod na ang pagbaba ng gasolina at mayroon nang natural gas na nakukuha sa Malampaya, mataas pa rin ang pamasahe ganoon din ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Sa kabila na sinasabing umangatang ekonomiya ay kakatwang may mga nagsasarang kompanya dahil nalulugi.
Maraming dapat pakilusin si GMA sa kanyang mga Gabinete upang hindi masira ang ipinangako niya sa mga mahihirap mag-iisang taon na ang nakalilipas. Harinawang ang Department of Social Welfare and Development ay magkaroon na ng mga programa sa mga kulang-palad na batang lansangan na nagkalat sa kung saan-saang lugar.
Kahit na hindi magsalita si Cardinal Sin, ang katotohanan ay hindi maikakaila sapagkat nakikita ang mabagal na pag-unlad at hindi naisasagawang mga pangako. Sa pagkakataong ito dapat dinggin ang sigaw. Magsagawa ng pagbabago.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest