^

PSN Opinyon

Enero: Cancer month

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ang Enero ay cancer month kaya ilang kaalaman sa cancer sa buto, matris, uterus at dugo ang aking bibigyan-daan upang maunawaan ng taumbayan.

Ang cancer sa buto ay kadalasang nagmumula sa trauma gaya ng pagkabugbog, pagkabangga o pagkaipit ng anumang bahagi ng katawan. Sanhi rin ng cancer sa buto ang exposure sa mga tinatawag na cancerous agents gaya ng radiation, pollution, toxic waste at lead poisoning. Ayon kay Dr. Rene Santos isang Orthopedic surgeon, ang mga bata ay madaling kapitan ng sakit na ito na tinaguriang ‘‘osteoteanic sarcoma.’’ Ito ay napakasakit kaya ang batang may sakit nito ay hindi maawat sa pag-iyak, hindi makatulog at hindi makakain. Sinabi niya na kadalasang pagpapahilot ay nagreresulta sa namamagang buto at dito magsisimula ang problema. May mga napinsalang buto. Mararamdaman ang patuloy na paglaki ng paa na waring namamaga hanggang sa tuhod kaya pinuputol ang buto hanggang sa singit. Sa operasyong ito ay maaalis ang bigat, maiibsan ang pananakit hanggang sa makadama ng katiwasayan ang pasyente.

Ipinapayo ni Dr. Santos ang mga sumusunod para makaiwas sa bone cancer: mag-ingat maaksidente, huwag magpapahilot, umiwas sa mga cancer-producing elements, huwag maninigarilyo, huwag uminom ng sobrang alak at iwasan ang mabisyong pamumuhay.
* * *
Ang pagkakaroon ng dugo matapos ang makirot na pakikipag-sex ay sintomas ng cancer sa matris.

Dahilan din ang iritasyon sa kuwelyo ng puno ng matris na pinagmumulan ng chronic cervicitis. Sa pakikipagpanayam ko sa gyconologist na si Dr. Concordia Martin-Pascual, sinabi nito na isang proseso kung saan ay kumukuha ng kapirasong laman sa kuwelyo ng matris at susuriin ng isang pathologist at malalaman kung anong stage ang cancer.

Ang sintomas ng cancer sa matris ay ang pananakit ng puson, pagdurugo na galing sa puwerta, kulane o lymph nodes sa singit. Ipinapayo niya ang vaginal douse na nililinis ang matris bawat tatlo hanggang anim na buwan. Para maiwasan ang impeksiyon ay dapat na mag-pap-smear every six months. Ang pap-smear ay ang proseso na kung saan ay kumukuha ng katas sa loob ng matris para maeksamen at dito malalaman kung may kanser o wala. There is no prevention, ayon kay Dr. Pascual kaya ipinapayo na laging magpa-check-up sa gynecologist lalo na ang mga babaing may multiple sex partners gaya ng mga prostitutes.
* * *
Ang mga sintomas ng cancer of the uterus (bahay-bata), ay ang mga sumusunod: Lumalaki ang tiyan ng parang buntis at iba’t ibang tumor ang tumutubo sa loob ng bahay-bata; pagkakaroon ng myoma na pangkaraniwang tumor sa bahay-bata. Meron ding tinatawag na ‘‘fibroid cyst’’ isang klase ng matigas na tumor na parang pormang bata na may buhok at matigas na laman at lumalaking mabuti ang tiyan. Dito papasok ang operasyon na ‘‘hysterectomy’’ na tinatanggal ang bahay-bata. Ang ‘‘total hysterectomy’’ naman ay ang pag-aalis ng bahay-bata, tubo o obaryo at kuwelyo ng matris. Ang cancer of the uterus ay made-detect sa x-ray at ultrasound.
* * *
Ang cancer sa dugo o leukemia ay karaniwang tumatama sa mga bata. Ayon kay Dr. Rosalina Anastacio, kalihim ng Philippine Society Hematology and Blood Transfusion, hindi pa lubusang batid kung bakit madaling kapitan ng leukemia ang mga bata bagamat napatunayan na malaking dahilan ang genetics and congenital abnormalities. Ang kapaligiran o environmental factors ay malaki rin ang kaugnayan sa naturang karamdaman. Ang exposure sa radiation at harmful chemicals lalo na ang benzene na nakukuha sa mga petroleum products at plastic paint ay sanhi rin ng cancer sa dugo. Sinabi ni Dr. Anastacio na ang mga sintomas ng leukemia ay ang mga sumusunod: Matagalan at hindi mawala-walang lagnat anemia, pallor, hematoma, impeksiyon, pagdurugo at pagkakaroon ng kulane o lymph nodes.

vuukle comment

ANG ENERO

AYON

BATA

CANCER

DR. ANASTACIO

DR. CONCORDIA MARTIN-PASCUAL

DR. PASCUAL

MATRIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with