Bakuna laban sa polio
January 11, 2002 | 12:00am
Nakababahala ang report ng Department of Health tungkol sa polio virus kaya agad na ipinag-utos ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbabakuna sa mga batang wala pang limang taong gulang upang malabanan ang paglaganap ng sakit. Gagawin ang pagbabakuna sa February 2-8 at March 2-8.
Ayon sa mga doktor ang polio ay nakukuha sa maruming tubig at pagkain kayat kinakailangang mag-ingat ang ating mga kababayan sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Ipakita po natin ang kooperasyon sa panawagang ito ng ating pamahalaan upang hindi na muling salantain ang mga kabataan ng polio.
Malaki ang ginagampanang papel ng lokal na pamahalaan sa paglutas ng problema sa pabahay. Ang kanilang papel na maisulong ito sa pamamagitan ng pinansyal na tulong at pakikipag-ugnayan sa mga financial institutions kagaya ng LandBank, Development Bank of the Philippines at iba pang mga pribadong banko. Ang pangunguna nila sa pagtugon sa suliraning ito ay magbibigay ng pag-asa sa kanilang mga sinasakupan na magkaroon ng sariling lupa at bahay sa mismong siyudad at munisipyong kanilang tinitirhan.
Kamakailan lamang, ipinakita ng dalawang pamahalaang lokal ang pagbibigay prayoridad sa pabahay. Sa Muntinlupa City, sa pangunguna ni Mayor Fresnedi, bumili ang kanilang siyudad ng lupa mula sa Banco de Oro para sa 150 mahihirap na pamilya sa kanilang lugar. Isinulong din ni Gov. Joson ng Cabanatuan City ang Abot-Kayang Pabahay para sa Magsasaka kung saan ninanais palitan ang kanilang bahay-kubo ng konkretong bahay.
Ayon sa mga doktor ang polio ay nakukuha sa maruming tubig at pagkain kayat kinakailangang mag-ingat ang ating mga kababayan sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Ipakita po natin ang kooperasyon sa panawagang ito ng ating pamahalaan upang hindi na muling salantain ang mga kabataan ng polio.
Kamakailan lamang, ipinakita ng dalawang pamahalaang lokal ang pagbibigay prayoridad sa pabahay. Sa Muntinlupa City, sa pangunguna ni Mayor Fresnedi, bumili ang kanilang siyudad ng lupa mula sa Banco de Oro para sa 150 mahihirap na pamilya sa kanilang lugar. Isinulong din ni Gov. Joson ng Cabanatuan City ang Abot-Kayang Pabahay para sa Magsasaka kung saan ninanais palitan ang kanilang bahay-kubo ng konkretong bahay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am