^

PSN Opinyon

Ang Pasko ay magpakailanman

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Narito ang isang napakagandang pagninilay mula kay Karl Rahner, S.J., isang German theologian. Ito ay magpapanatili sa atin na patuloy na makipag-ugnayan kay Jesus sa lahat ng aspeto ng ating buhay.

‘‘At ngayon sinasabi sa atin ng Diyos kung ano ang nasabi na niya sa mundo sa kabuuan sa pamamagitan ng kanyang puspos-biyayang kapanganakan:

‘Nariyan ako. Kasama mo ako. Ako ang iyong buhay. Ako ang kalungkutan ng iyong pang-araw-araw na gawain. Bakit hindi mo iyon batahin?

Iniiyak ko ang iyong mga luha – ibuhos mo ang iyo sa akin, aking anak.

Ako ang iyong tuwa. Huwag matakot na maging masaya, kailanman mula nang ako’y lumuha, ang tuwa ang batayan ng pamumuhay na tunay na mas angkop kaysa sa pagkabalisa at pighati ng mga taong nag-iisip na sila’y walang pag-asa.

Ako ang nakatrangkang eskinita ng lahat ng iyong daraanan, pagkat kung hindi mo na alam kung paano susulong pa, sa gayo’y naabot mo na ako, hangal na anak, bagamat di mo ito natatalos.

Ako ay nasa iyong pagkabalisa, pagkat nakabahagi ko na ito sa pamamagitan ng pagdusa nito.

At sa ganoon, ako’y di man lamang nagpakabayani ayon sa karunungan ng mundo.

Ako’y nasa piitan ng iyong hangganan, pagkat ang aking pag-ibig ang dahilan na ako’y iyong preso.

Kapag ang kabuuan ng iyong mga plano at ng iyong mga karanasan sa pamumuhay ay di-nagbalanse, Ako ang di-nalulutas na natitira. At alam ko na ang natitirang ito na nagpapabalisa sa iyo ay sa katunayan ang aking pagmamahal, na di-mo nauunawaan.

Ako ay nasa sa iyong mga pangangailangan. Pinaghirapan ko na ang mga ito at ngayo’y nabagong-anyo na sila subalit di-napawi mula sa aking puso…

Ang realidad na ito – ang di-maarok na katangian ng aking makapangyarihang pag-ibig – ligtas kong naikubli sa malamig na sabsaban ng iyong mundo. Naroon ako.

Hindi na ako aalis mula sa mundong ito, kahit na hindi mo ako nakikita ngayon… naroon ako.

Pasko na. Sindihan ang mga kandila. Sila’y mas may karapatang umiral kaysa lahat ng kadiliman.

Pasko na. Ang Pasko ay magpakailanman.’’


Sa mga pag-iisip na ito, tunay ngang masasabi natin na araw-araw ay Pasko. Nawa’y ang diwang ito ang manatili sa atin sa buong taon ng 2002 upang higit tayong maging maka-Diyos at maka-kapwa, makatotohanan, makatarungan, mapag-alay-dangal.

vuukle comment

AKO

ANG PASKO

BAKIT

DIYOS

HUWAG

IYONG

KARL RAHNER

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with