Ang minimum wage ng mga Pinay maid ay HK$ 3,700. Dahil sa pangyayaring ito maraming Pilipinang maid ang nabagabag. Umaapila sila sa pamahalaan na sila ay tulungan. Pinapunta ni President GMA si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas sa Hong Kong upang makipagtalakayan sa mga officials doon na huwag bawasan ang sahod ng mga Pinay. Wala pang positibong balita tungkol dito.
Nakausap ko si Mrs. J.P. Servidad na matagal nang maid sa Hong Kong. Sinabi niya na malaking kawalan sa pamilya niya ang gagawing pagkaltas sa kanyang suweldo. Siya ang breadwinner ng pamilya dahil walang permanenteng trabaho ang kanyang mister. Sa pagtatrabaho niya sa Hong Kong nagmumula ang mga gastusin, pagkain at pag-aaral ng kanyang mga anak. Nagbalikbayan si Mrs. Servidad noong nakaraang Pasko.
Si Ligaya David na isa ring maid ay problemado rin sa balak na pagkaltas ng sahod. Biyuda si Ligaya at tatlo ang anak na parehong nasa kolehiyo. Problema niya kung paano matutustusan ang pag-aaral ng mga anak kapag kinaltasan ang suweldo.
Marami pa ang tulad nina Mrs. Servidad at Ligaya na nangangamba sa ipatutupad na wage cut sa tulad nilang maid sa Hong Kong.