^

PSN Opinyon

Hinagpis ng mga Pinay maid sa Hong Kong

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Maaaring sa susunod na buwan ay ipatupad na ang pagkakaltas ng 20 percent sa sahod ng mga Pinay maids mula sa Hong Kong. Ang pagkakaltas ay gagawin dahil sa nangyaring pagbagsak ng ekonomiya. Gaya ng nagaganap sa Pilipinas, malaki rin ang ibinagsak ng ekonomiya sa Hong Kong na naging dahilan para bawasan ang suweldo ng mga pribadong kompanya. At dahil mababawasan ang kinikita ng mga empleado, nagdesisyon silang bawasan ang pasahod sa mga maid.

Ang minimum wage ng mga Pinay maid ay HK$ 3,700. Dahil sa pangyayaring ito maraming Pilipinang maid ang nabagabag. Umaapila sila sa pamahalaan na sila ay tulungan. Pinapunta ni President GMA si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas sa Hong Kong upang makipagtalakayan sa mga officials doon na huwag bawasan ang sahod ng mga Pinay. Wala pang positibong balita tungkol dito.

Nakausap ko si Mrs. J.P. Servidad na matagal nang maid sa Hong Kong. Sinabi niya na malaking kawalan sa pamilya niya ang gagawing pagkaltas sa kanyang suweldo. Siya ang breadwinner ng pamilya dahil walang permanenteng trabaho ang kanyang mister. Sa pagtatrabaho niya sa Hong Kong nagmumula ang mga gastusin, pagkain at pag-aaral ng kanyang mga anak. Nagbalikbayan si Mrs. Servidad noong nakaraang Pasko.

Si Ligaya David na isa ring maid ay problemado rin sa balak na pagkaltas ng sahod. Biyuda si Ligaya at tatlo ang anak na parehong nasa kolehiyo. Problema niya kung paano matutustusan ang pag-aaral ng mga anak kapag kinaltasan ang suweldo.

Marami pa ang tulad nina Mrs. Servidad at Ligaya na nangangamba sa ipatutupad na wage cut sa tulad nilang maid sa Hong Kong.

vuukle comment

BIYUDA

DAHIL

HONG KONG

LABOR SECRETARY PATRICIA STO

LIGAYA

MRS. J

MRS. SERVIDAD

PINAY

SI LIGAYA DAVID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with