^

PSN Opinyon

How 'iron lady' is the Iron Lady?

- Al G. Pedroche -
Binansagang "Iron Lady" ng isang lathalaing British si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo. Nagawa raw niyang panatilihing matatag ang ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng matinding krisis na sumasaklot ngayon sa buong daigdig.

Natuwa naman si Ate Glo sa kanyang bagong monicker. Kahit daw siya isang babae at pandak, hindi siya dapat lait-laitin ng kanyang mga katunggali sa politika.

Agad namang sinakyan ito ng mga kalaban ng Pangulo. Pakutyang sinabi na tama ang bansag na "Iron Lady". Kasi mahusay daw mamlantsa ang Pangulo ng mga anomalyang ipinaparatang sa kanya. In other words, "Flat-iron Lady" raw ang mas angkop na itawag sa Pangulo.

Hindi lang pala siya Gloria Labandera kundi Gloria Plantsadora pa!

May New Year’s resolution ang Pangulo. Hindi na siya magiging "pikon" at "mataray" sa harap ng mga insulto at pangit na akusasyong ibinabato sa kanya.

Upang patunayan ito, tinawanan nga niya sa isang panayam ni Winnie Monsod ang mga akusasyong may mga "lovers" siya. Kung tutuusin, matagal nang nagsi-circulate ang ganitong mga rumors bagaman at wala noong maglakas-loob na magtanong sa Pangulo. Aba’y these are very serious accusations na nakawawasak sa pagkatao ninumang inaakusahan.

Anang Pangulo, komo ba malapit siya sa mga lalaking kamanggagawa niya sa gobyerno’y paparatangan na siya ng masama?

The President is trying hard to take things in stride. That is the prize she has to pay for being the leader of a divided nation. Marami siyang political foes and as such, asahang uulanin siya ng mga sari-saring masasakit na akusasyon. Magiging pagsubok ito sa kanyang bansag bilang babaeng bakal.

Matinding pagsubok talaga ang dumadarang sa Pangulo ngayon. Pati sa Senado ay sinasabing may mga kaalyado siyang mambabatas na sasapi na sa minorya dahil sa disgusto sa kanya.

Bagaman at pinabubulaanan ng mga naturang Senador ang balitang ito, naniniwala ako na kung may naaamoy na usok, siguradong may apoy.

This is a serious matter.
Mayroon na ngang napapabalitang kudeta laban sa kanyang administrasyon, pati sa Senado ay may namumuo pa ring kudeta dahil sa pagbaligtad ng mga kaalyadong Senador ng Pangulo. And all because hindi raw napagbigyan ang kahilingan ng mga Senador na ito. Mababaw na dahilan.

Anyway, diyan masusubukan kung talagang naaangkop tawagin ang Pangulo na Iron Lady. Matatag nga ba siya. May itatagal?

Pero bakal man ay tinutunaw din ng matinding init. Hanggang saan ang ititindi ng init na ito? Abangan.

vuukle comment

ANANG PANGULO

ATE GLO

GLORIA LABANDERA

GLORIA PLANTSADORA

IRON LADY

PANGULO

SENADOR

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with