Ang cancer sa suso ay karaniwang tumatama sa mga kababaihan bagamat maaari ring magkaroon ang mga kalalakihan. Sa ngayon, ang tsansa ng mga kababaihan para magkaroon ng cancer ay 1 in 12. Karaniwang tumatama ang cancer sa 50 hanggang 70 anyos. Mababa naman sa kalalakihan na may 0.5-1 porsiyento. Ang cancer sa suso ay itinuturing na sakit ng Western World at pinakamababang manalasa sa mga Far East countries, gaya nga ng Japan. Mas mataas ang insidente ng cancer sa suso sa mga bansang may maunlad o mataas ang antas ng ekonomiya at pamumuhay.
Sa kasalukuyan, tumataas ang insidente ng mga biktima ng cancer sa mga first degree relatives o iyong magkakapatid, mag-tiya at mag-ina partikular kapag na-develop ang cancer sa early stage. Sa pagsasaliksik, natuklasan ang isang abnormal gene sa chromosome 17. Karugtong na rin dito ang panganib sa pagkakaroon ng carcinoma sa ovary, endometrium, colon at rectum.
Sa isang pag-aaral, ipinakita ang paglipat ng isang virus sa pamamagitan ng breast milk sa isang daga at na-develop ang mammary tumors. Hindi naman ipinakita kung ang pagkakaroon ng cancer sa tao ay dahil sa isang virus.
Ang cancer sa suso ay karaniwan din sa mga kababaihang nagdanas ng menarche o iyong late menopause. Ang pagpapasuso (breast feeding) ay mahalagang dapat gawin para maiwasan ang cancer sa suso.