^

PSN Opinyon

Iba pang dapat malaman sa cancer sa suso

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ALAM n’yo ba na ang mga Haponesa ang may pinakamababang panganib na magkaroon ng cancer sa suso? At alam n’yo rin ba kapag nag-migrate ang Japanese sa United States na nahaharap sila sa panganib ng pagkakaroon ng cancer sa suso roon? Pinaniniwalaang kasangkot ang environment sa pagkakaroon ng sakit. Nagkaroon din ng pagtaas sa bilang ng may cancer sa suso ang mga biktima ng atomic bomb.

Ang cancer sa suso ay karaniwang tumatama sa mga kababaihan bagamat maaari ring magkaroon ang mga kalalakihan. Sa ngayon, ang tsansa ng mga kababaihan para magkaroon ng cancer ay 1 in 12. Karaniwang tumatama ang cancer sa 50 hanggang 70 anyos. Mababa naman sa kalalakihan na may 0.5-1 porsiyento. Ang cancer sa suso ay itinuturing na sakit ng Western World at pinakamababang manalasa sa mga Far East countries, gaya nga ng Japan. Mas mataas ang insidente ng cancer sa suso sa mga bansang may maunlad o mataas ang antas ng ekonomiya at pamumuhay.

Sa kasalukuyan, tumataas ang insidente ng mga biktima ng cancer sa mga first degree relatives o iyong magkakapatid, mag-tiya at mag-ina partikular kapag na-develop ang cancer sa early stage. Sa pagsasaliksik, natuklasan ang isang abnormal gene sa chromosome 17. Karugtong na rin dito ang panganib sa pagkakaroon ng carcinoma sa ovary, endometrium, colon at rectum.

Sa isang pag-aaral, ipinakita ang paglipat ng isang virus sa pamamagitan ng breast milk sa isang daga at na-develop ang mammary tumors. Hindi naman ipinakita kung ang pagkakaroon ng cancer sa tao ay dahil sa isang virus.

Ang cancer sa suso ay karaniwan din sa mga kababaihang nagdanas ng menarche o iyong late menopause. Ang pagpapasuso (breast feeding) ay mahalagang dapat gawin para maiwasan ang cancer sa suso.

CANCER

FAR EAST

HAPONESA

KARANIWANG

KARUGTONG

MABABA

SUSO

UNITED STATES

WESTERN WORLD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with