Isa sa pinagsususpetsahan sa pagpatay ay si Supt. Rafael Cardeno, chair ng YOU. Matindi umano ang galit ni Cardeno kay Cervantes. Ito raw ang dahilan kung bakit natanggal si Cardeno sa Land Transportation Office.
Maliban kay Cardeno, pinaghihinalaan din si Supt. Diosdado Valeroso. Nakipagpalitan umano ng text messages si Valeroso kay Cervantes bago ito napatay. Isinasangkot din sina Gen. Edgardo Abenina, dating LTO chief. Ganoon din sina Navy Capt. Proseso Maligalig, Col. Romeo Lim at Lt. Senior Grade Donn Anthony Miraflor.
Ang mga pinaghihinalaan ay kasangkot din sa umanoy planong kudeta sa Arroyo administration. Si Cervantes ang lumalabas na naglabas ng bomba na may mga taong gustong pabagsakin ang pamahalaan ni Arroyo.
Marami ang nadadawit sa Cervantes slay. Masyadong sensitibo. Ang mga sangkot ay mga maimpluwensiya at may mga hinahawakang poder sa loob at labas ng military. Ang ilan pa nga ay mga malalaking pangalan sa pulitika. Babantayan natin kung ano ang magiging aksyon ng Malacañang sa nangyayaring ito. Abangan!