^

PSN Opinyon

Maraming sabit sa Cervantes killing

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAGIGING masalimuot ang kaso ng pagpatay sa diumano’y spokesman ng Young Office Union (YOU) na si Lt. Baron Cervantes. Lumalabo ang motibo kung bakit ito pinatay. Marami ang pinaghihinalaang sangkot sa krimen sapagkat maraming kaibigan at kasamahan ang nakausap bago siya pinatay.

Isa sa pinagsususpetsahan sa pagpatay ay si Supt. Rafael Cardeno, chair ng YOU. Matindi umano ang galit ni Cardeno kay Cervantes. Ito raw ang dahilan kung bakit natanggal si Cardeno sa Land Transportation Office.

Maliban kay Cardeno, pinaghihinalaan din si Supt. Diosdado Valeroso. Nakipagpalitan umano ng text messages si Valeroso kay Cervantes bago ito napatay. Isinasangkot din sina Gen. Edgardo Abenina, dating LTO chief. Ganoon din sina Navy Capt. Proseso Maligalig, Col. Romeo Lim at Lt. Senior Grade Donn Anthony Miraflor.

Ang mga pinaghihinalaan ay kasangkot din sa umano’y planong kudeta sa Arroyo administration. Si Cervantes ang lumalabas na naglabas ng bomba na may mga taong gustong pabagsakin ang pamahalaan ni Arroyo.

Marami ang nadadawit sa Cervantes slay. Masyadong sensitibo. Ang mga sangkot ay mga maimpluwensiya at may mga hinahawakang poder sa loob at labas ng military. Ang ilan pa nga ay mga malalaking pangalan sa pulitika. Babantayan natin kung ano ang magiging aksyon ng Malacañang sa nangyayaring ito. Abangan!

BARON CERVANTES

CARDENO

DIOSDADO VALEROSO

EDGARDO ABENINA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARAMI

NAVY CAPT

PROSESO MALIGALIG

RAFAEL CARDENO

ROMEO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with