^

PSN Opinyon

Sirang LPG tank

SAPOL - Jarius Bondoc -
HUWAG magsapalaran. Inspeksiyunin agad ang 11-kg LPG tank sa kusina. Siguraduhing hindi ito isa sa 44,000 tangke na pinasosoli ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil depektibo. Maaring sumiklab o sumabog.

Papanong malalaman kung depektibo? Tingnan ang collar ng tangke. Ito yung malapad na bakal sa may hawakan. Basahin ang naka-ukit na tatak. Kung ang nakasulat ay PDSI, basahin agad kung kailan ang date of testing. Kung nakatatak ay "Tested 12-00," "01-01," "02-01," "03-01" o "04-01," ‘yun na nga ang salarin. Gawa ‘yan ng Pilipinas Daechang Steel Inc. (PDSI) mula Dis. 2000 hanggang Abr. 2001. Palpak ‘yan. Natuklasan ng DTI na hindi ito gumagamit ng tamang pang-testing ng LPG tanks. Luma ang makinang panghulma, at kulang sa training ang welders.

Tingnan din ang serial number sa collar. Ang gawang Dis. 2000, SN 0001 hanggang 9574 ang naka-ukit. Kung Ene. 2001, SN 0001-9504; Peb. 2001, 00001-11,000; Mar. 2001, 00001-13681; at Abr. 2001, 0001-0250. Ganyan karami ang pinalusot ng PDSI na substandard tanks. Buti na lang, wala pang kalahati ng isang porsiyento ng 12 milyong tangkeng nagkalat sa bansa. Pero maaring magdulot ng pinsala sa 44,000 bahay o opisina o restaurant. Kaya naghabla ang DTI, lalo na’t pinalabas ng PDSI na segunda ang tangke nila sa PNS (Philippine National Standards) 03:2000 at iniukit pa ito sa collar.

Isoli agad ang depektibong tangke sa binilhang dealer. Huwag nang ubusin ang laman. Tiisin na lang ang konting lugi. Mabuti na ‘yon kaysa ubusin naman ng pagsiklab o pagsabog ang buong bahay n’yo at pinag-ipunang mga gamit. Hayaan na lang silaban sa impiyerno ang may-ari ng PDSI.

Maari ring ipalit ang tangke sa Swap Centers ng Liquigaz at Total Gas. Hanggang Peb. 7, 2002 lang ang DTI recall order. Kung may tanong, tumawag lang sa DTI hotlines sa Metro Manila, 890-5226, 890-5740, 890-4932, o sa DTI regional o provincial offices. Puwede rin sa Liquigaz, 854-5489, o toll-free number 1-800-1888-5429; at sa Total-Superkalan, 838-4837.

Paki kalat din ang babalang ito.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HANGGANG PEB

KUNG ENE

LIQUIGAZ

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL STANDARDS

PILIPINAS DAECHANG STEEL INC

SWAP CENTERS

TINGNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with