^

PSN Opinyon

Editoryal - Toll fee increase: Maagang pahirap

-
HINDI maganda ang pasalubong ng Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) at Tollway Regulatory Board (TRB) sa mga motorista sa pagpasok ng Bagong Taon. Itinaas nila ang singil sa mga motoristang dumadaan sa North at Luzon Tollways at ganoon din sa Skyway kamakalawa. Nasorpresa ang maraming motorista na karamihan ay galing sa mga probinsiya at doon idinaos ang Pasko at Bagong Taon. Parang pumutok na Judas belt sa kanilang mga taynga ang biglang pagtataas ng toll fee. Bakit kaabug-abog at wala man lamang pasabi ang TRB at CMMTC. Isang hakbang na negatibo at taliwas sa sinasabi ng pamahalaan na pagagaanin ang buhay sa 2002. Sa pagtataas ng toll fee, apektado ang mahihirap sapagkat marami ang sumasakay sa mga pampasaherong bus at baka ang karagdagang singil sa toll ay ikarga sa pamasahe. Magkakaroon ng kade-kadenang epekto.

Walang nagawa ang mga motoristang tumahak sa North at Luzon Tollways. Hindi naman maaaring paliparin ang kanilang sasakyan para maiwasan ang mataas na toll fee. Naipit sa kalituhan sa pagbabayad ng fee kahit na walang makitang improvement sa kanilang dinadaanang tollways.

Sa mga nakaraang taon, hindi kumikibo ang mga motoristang dumadaan sa dalawang expressways kahit nagsulputan ang napakaraming problema, unang-una na ang traffic. Dito lamang yata sa Pilipinas makararanas ng traffic sa tollways. Bukod sa grabeng trapik, maraming portion dito ang lubak-lubak. Dito rin lamang sa Pilipinas, makakakita ng tollways na nakapapasok ang mga vendors – tindero ng mani, sitsaron, tubig at kung anu-ano pa at nakikipagpatintero sila sa mga sasakyan. Makikita ang tanawing ito sa North Luzon Tollways ilang metro ang layo sa Balintawak Toll Plaza. Nagdadaan ang mga vendors sa mga sinirang alambreng bakod. Halatang sinira para sila makadaan. Hindi ba’t dapat itong alagaan upang walang makapasok at maiwasan ang aksidente.

Marami na ring pangyayari na may aksidenteng nagaganap sa dalawang tollways dahil walang kaukulang babalang makikita ang mga motorista. May mga namamatay dahil binabagsakan ng bato ang kanilang sasakyan habang tumatakbo. May mga nahoholdap pa.

Maraming problemang dapat solusyunan bago magtaas ng singil sa toll fee. Hindi ito magandang pasalubong sa 2002 gayong pilit na sinasabi ng pamahalaan na iaangat ang kabuhayan at kalagayan ng mahihirap. Panibago na naman itong pabigat.

BAGONG TAON

BALINTAWAK TOLL PLAZA

CITRA METRO MANILA TOLLWAYS CORP

DITO

LUZON TOLLWAYS

NORTH LUZON TOLLWAYS

PILIPINAS

TOLLWAY REGULATORY BOARD

TOLLWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with