^

PSN Opinyon

Klinika sa bawat parokya

- Al G. Pedroche -
May direktiba si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo kay Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman Efraim Genuino: "Gamitin ang malaking bahagi ng kita ng PAGCOR sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mararalita."

Kahit saang dako, makikita ang mga street dwellers. Mga mahihirap na taong sa lansangan na kung matulog. Ang almusal, tanghalian at hapunan ay alikabok at usok ng maruming lansangan.

Nakalulunos ang kalagayan nila. Nanlilimahid, nasisiraan ng bait sa labis na paghihirap at kung dapuan ng karamdaman ay walang lumilingap.

Saan kukuha ng kailangang pondo ang gobyerno para sa pangangailangang pangkalusugan ng mga pobreng ito gayung ito’y dumaranas din ng kasalatang pinansyal? Mayroon.

Marahil, may mga magsasabing mahirap i-reconcile ang aktibidad ng simbahan sa mga gawaing may kinalaman sa pagsusugal. Pero ito ang isipin natin: Madalas, napakakunat dulugan ng ilang mayayaman para sa pangangailangan ng mga mahirap. Pero ang mga taong ito’y walang patumangga kung magpatalo ng kanilang milyones sa pagsusugal.

Kung mahirap pigain ang mga mayayamang ito to donate for a charitable cause, without their consciously knowing it, ang bahagi ng yaman nila’y puwedeng i-channel sa pangangailangan ng mahihirap.

Balita ko’y tumanggap na ng "bendisyon" ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin ang proyekto ng PAGCOR sa pagtatayo ng clinic sa bawat simbahan o parokya which will cater to the urgent health needs of the poor.

Ayon kay Genuino, hindi lang basta-basta klinika kundi mga "modern clinics" ang itatatag sa bawat 270 simbahang nasa hurisdiksyon ng Archdiocese ng Maynila. Aba, dapat siguro’y huwag lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa para mapagsilbihan ang marami pang mahihirap nating kababayan. Sabi pa ng PAGCOR chief, hindi lang sa mga Katoliko ang makikinabang sa proyekto kundi maging ang mga kasapi ng iba’t ibang religious denominations.

The project will mobilize a network of volunteer doctors, nurses and medical interns na siyang lilingap sa mga pobre nating kababayang nangangailangan ng kalingang medikal.

Sa halos isang taong panunungkulan pa lang, nagawang paangatin ni Genuino ang kita ng PAGCOR na umaabot sa P17 bilyon.

Huwag lang madadawit sa mga anomalya, tiyak ko na ang kinikita ng PAGCOR ay makatutulong nang napakalaki hindi lamang sa kapakanan ng mga mahihirap kundi sa pangkalahatang pag-aangat ng ating ekonomiya.

Within this year onward, ayon sa PAGCOR, pagtutuunang pansin din ang pagtatayo ng mga family-friendly entertainment "ala-Disneyland" tulad nang balak simulan sa isang reclaimed area sa Roxas Blvd. Okay iyan para hindi lang nakatuon sa gambling ang PAGCOR. Kasi kahit sinasabing maraming Pilipino ang "gamblers" marami rin ang tumututol sa sugal lalo na sa sektor relihiyoso.

Congrats sa mga positibong repormang ginagawa ng pamunuan ng PAGCOR.

GENUINO

MANILA ARCHBISHOP JAIME CARDINAL SIN

METRO MANILA

PAGCOR

PERO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with