Baka maputukan ka - sana naman
December 31, 2001 | 12:00am
MASAMANG biro yan. Di lang minsan, kundi apat na beses na akong nakasaksi ng kanto-boys na hindi basta naglalaro ng paputok sa kalye, kundi nanghahagis pa sa mga sasakyan. Magkasunod na gabi bago mag-Pasko, sa Manggahan, Commonwealth Avenue, QC, initsa sa bubong at loob ng jeepneys. Sa isang iskinita sa Sampaloc, Manila, windshield ng taxi ang pinukol. Pfft, buti na lang supot. Kundi, sumabog ang salamin sa mukha ng driver. Sa may Pier, pinagulungan ng bawang ang ilalim ng owner jeep. Blagang!
Off-duty na pulis pala ang nagmamaneho. Ang bilis bumunot ng baril at kumwelyo sa isa sa dalawang salarin. Malamang, bugbog ang pahinga niya sa presinto.
Kuwento ng kapitbahay ko, nakakita siya ng sumabog na salamin ng kotse dahil sa initsang five-star. De-baril ang pasahero. Nagpaputok sa ere. Walang nahuli. Buti na lang, wala ring tinamaan ng ligaw na bala. Dalawang beses din nabalita sa radyo ang magkaibang insidente ng paghahagis ng paputok sa dumadaang sasakyan.
Ewan kung bakit biglang nauso ang masamang biro na ito. Pero kapansin-pansin na katabi ng slums lahat ng insidente. Ano ba sila, mga addict na bangag sa shabu? Mga mangmang na hindi alam kung anong pinsala ang maaring magawa? O sadyang wala lang pakialam?
Ang New Years wish ko sa kanila: mag-ingat at baka maputukan ang sariling kamay sana lang, ano. Kasama na rin ang tatay ni Edward, yung 6-anyos na batang natagpuang nagta-trabaho sa fireworks factory sa Bulacan. "Taga-suksok lang naman ng mitsa," palusot ng tatay, "Kulang kasi ang kinikita ko." Kaya naman pala unsafe ang mga paputok, mga batang musmos ang taga-gawa. Pinsala sa publiko.
Ang New Years advice ko rin sa mga nanghahagis ng paputok sa dumadaang sasakyan, at sa tatay ni Edward: patunayan ang pagka-macho. Sa garapon nila ilagay ang whistle-bomb. Paligiran nila nang nakaluhod. Titigan habang nauubos ang mitsa. Walang kukurap hanggang di naririnig ang ... bagoom! ... buhay ka pa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest