^

PSN Opinyon

Inosente, huwag gawing ignorante

SAPOL - Jarius Bondoc -
Tinaya ni Jose Rizal ang kinabukasan ng Pilipinas sa kabataan – sa mga murang-isip na di-nagnanasang manlamang sa kapwa. Pero tingnan naman natin kung ano’ng ehemplo ang binibigay natin sa ika nga’y mga niños inocentes.

Karaniwang pamilya, tinutulak ang mga bata sa kurso kung saan sila yayaman, hindi kung saan sila makapagsisilbi sa kapwa. ‘Yung nagnanakaw sa gobyerno, ang turo sa anak ay kung papano manggantso nang malinis at umiwas sa kaso miski mahuli sa akto. Maraming matatanda, pinakikitaan ng masamang asal ang mga bata: Pagkakalat sa kalye, pagtawid kung saan lang maisipan, gitgitan sa pagmamaneho. At kung malamangan, papano makipagbasag-ulo.

Sa iskuwela, tinuturuan din ang kabataan ng mali. Ang textbooks, puro sablay ang spelling at datos. Palibhasa, kurakot at komisyon lang ang iniisip ng gumagawa at umuorder ng libro.

Ang quality of education, bagsak na. Di lang ito dahil wala nang gustong magturo sa mababang sahod, kundi kulang din sa training ang teachers. Sa isang bago’t sikat na TV game show, ipinamalas kamakailan ng 18 public school teachers ang "galing" nila. Unang tanong pa lang, apat na ang na-eliminate nang sumagot ng "oo" sa tanong: "Si Fernando Poe Jr. ba ay batang kapatid ni Edgar Allan Poe?" Apat uli ang na-out nang sumagot ng "hindi" sa tanong: "Ang Palawan ba ay nasa Southern Tagalog region?" Wala nang natira nang hindi masagot ang multiple choice: "Ang hayop na sinasakyan ng equestrian ay equine o arachnid?"

Sa kabilang game show tuloy, hindi masagot ng college graduate kung "saan sumisikat ang araw-north, south, east o west." Tumawag na ng kaibigan, mali pa rin ang sagot.

Marami sa atin ang seryosong nagsasabing ang pag-asa na lang ng Pilipinas ay kung mamatay lahat ng matatanda, edad-25 pataas, at maiwan ang kabataan. Saka lang daw mawawala ang kabulukan sa gobyerno’t lipunan. Saka lang uunlad ang bansa. Siguro nga.

ANG PALAWAN

EDGAR ALLAN POE

JOSE RIZAL

KUNG

LANG

PILIPINAS

SAKA

SI FERNANDO POE JR.

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with