^

PSN Opinyon

PBA player hindi nagbibigay ng sustento sa anak

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang hindi nagbibigay ng financial support ang isang PBA player sa kanyang anak?

Ayon sa aking bubuwit, five days na lang at New Year na.

Happy birthday muna kina Ms. Evelyn Brajas ng MBC-Sales; Imelda Reyes, Noel Espiritu ng DZRH Engineering Dept.; Paz Borromeo, Francis Soriano at Rey Gorospe.

Happy wedding anniversary kina Capt. & Mrs. Fulgencio Mapeso Jr.

Congratulations kay Col. Mario Garcia Taylor ng Philippine Navy Medical Corps.

Binabati ko rin sina Migo & Nina Nava from Lolo Ed at Lola Jing.
* * *
Alam n’yo bang hindi pala nagbibigay ng sustento ang isang sikat na PBA player sa kanyang isang anak?

Ayon sa aking bubuwit, umabot na sa pitong taong gulang ang anak nitong basketbolista subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nagbibigay ng alimony.

Naku, katropa pala ito nina dating Congressmen Ranjit Shahani ng Pangasinan; Romeo Candazo ng Marikina at Rico Fajardo ng Nueva Ecija at aktor na si Vandolph.

Pasyalan mo naman o kaya ay padalhan lang ng regalo. Puwede mo nang ihabol ’yan hanggang Three Kings.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, mayaman ang chiching na naasembolan ni PBA player. Ito ay maputi, maganda, sexy at may taas na 5’6’’. Siguro ito ay paga-30 anyos na.

Ang naturang chiching ay itatago ko na lang sa pangalang Ms. Marlene ng Malabon.

At ang PBA player naman na hindi pala nagbibigay ng sustento sa kanyang anak outside wedlock ay walang iba kundi si...

Siya ay dating player ng Purefoods.

Ang laki-laki ng suweldo nito ay hindi man lang nagbibigay ng alimony.

Sabagay, yung ilang kongresista nga eh ang lalaki ng kanilang pork barrel pero hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak.

Ang PBA player na hindi nagbibigay ng sustento sa kanyang anak na babae na nakatira sa Malabon ay walang iba kundi si...

Siya ay nasa koponan ngayon ng Talk & Text. Siya ay walang iba kundi si Mr. J. as in Joy to the World.

vuukle comment

AYON

CONGRESSMEN RANJIT SHAHANI

ENGINEERING DEPT

FRANCIS SORIANO

IMELDA REYES

LOLA JING

LOLO ED

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with