San Esteban - ang unang martir

NAKASISINDAK sa atin na marinig na pagkatapos na pagkatapos ng pagsilang kay Jesus, nandiyan ang kamatayan ng isang Kristiyanong martir. Subalit hindi natin dapat makalimutan na kahit na ang Sanggol na si Jesus, dala ng kanyang mga magulang ay tumakas kay Herodes at nagtago sa Egypt. Yaon ang katalagahan na dapat handang harapin ng bawat Kristiyano.

Narito ang Ebanghelyo para sa kapistahan ni San Esteban (Mt.10:17-22).

‘‘Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari at magpakatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

‘‘Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayon din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.’’


Saan kinuha si San Esteban ang lakas ng loob upang harapin ang mga nagpapahirap sa kanya? Mula sa kasiguruhan ni Jesus: ‘‘… hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.’’ Ang kasiguruhang ito ay ibinibigay din sa inyo, kapag dumating ang panahon na inyong haharapin ang mga nagpapahirap sa inyo.

At huwag nating kalilimutan ang mga kataga ni Jesus: ‘‘Ako’y palagi mong kasama.’’

Show comments