^

PSN Opinyon

Kontrol sa renta: Hanggang 2004

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
INAPRUBAHAN noong Huwebes ng House of Representatives ang Bicameral Conference Committee Report sa panukalang magbibigay ng extension hanggang December 31, 2004 ang kontrol sa pagtaas ng renta. Matatandaang hanggang December 31 ng taong kasalukuyan ang Rent Control Law, sa ilalim ng batas na ito ay nililimitahan ang pag-taas ng renta na hindi tataas ng 10 percent bawat taon.

Ang extension ng bisa ng Rent Control Law ay malaking tulong sa mahigit 5.5 milyong kababayang nangungupahan ng bahay. Ang sakop ng batas ay mga bahay na ang renta ay P7,500 pababa bawat buwan sa Metro Manila at P4,000 naman sa ibang lugar. Hindi lamang mga bahay na paupahan ang sakop ng batas na ito kundi maging mga boarding houses, dormitoryo, sari-sari stores at mga home-based entrepreneurs.

Karamihan sa mga pamilya dito sa Metro Manila ay nangungupahan lamang dahil hindi naman nila kayang magpatayo ng sariling bahay. Maging ang mga estudyante mula sa mga probinsiya na nagnanais mag-aral dito ay kinakailangang mangasera. Ang batas na ito ay pipigil sa mga nagmamay-ari na magtaas ng mataas na upa lalo na kung kulang sa pasilidad.

Pagkatapos ng 2004, magkakaroon ng exit program na babalangkasin ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) upang sa gayon ay hindi na kailangang magpasa muli ng batas sa Rent Control pagdating ng 2005.

Isa sa pangunahing pangangailangan ang bahay na matitirhan kung kaya sa Rent Control Law maiibsan ang mabigat na pasanin ng bawat pamilyang nangungupahan dahil sa limitado lamang ang pagtaas ng renta ang pinapayagan ng batas.

BATAS

BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE REPORT

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

HUWEBES

ISA

METRO MANILA

RENT CONTROL

RENT CONTROL LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with