^

PSN Opinyon

Ang pagsilang sa ating Tagapaligtas

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
DALAWANG libo’t isang taon na ang nakararaan nang ang ating Panginoon ay isinilang sa Betlehem. Ang pinakadakila sa lahat ng mga pangyayari ay ipagdiriwang natin sa Martes (Disyembre 25).

Inakala namin na mas mainam na ilahad na lamang ang naganap ayon sa Ebanghelyo ni Lukas. Basahin at mataimtim na pagnilayan ang mabuting Balita. May sinasabi sa inyo si Jesus (Lk. 2:1-14).

‘‘Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Ang unang pagpapatalang ito ay ginawa nang si Cirenio ang gobernador ng Syria. Kaya’t umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.

‘‘Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose‘y pumunta sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat sila’y mula sa angkan at lahi ni David. Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa sa noo’y kagampan. Samantalang naroroon sila, dumating ang oras ng panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang lugar sa bahay-panuluyan.

‘‘Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaning-ningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, ‘Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Kristong Panginoon. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.’’

‘‘Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: ‘Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!’’
* * *
Maligayang Pasko sa lahat ng mga mambabasa. Nawa’y bigyan kayo ng Sanggol na si Jesus ng kapayapaan at punuin ang inyong puso ng tuwa!

BASAHIN

BETLEHEM

BIGLANG

BINALOT

DIYOS

EMPERADOR AUGUSTO

HARING DAVID

KRISTONG PANGINOON

MALIGAYANG PASKO

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with