^

PSN Opinyon

Pag-alala sa trahedya ng M/V Doña Paz

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
DISYEMBRE, 20, 1987, naganap ang kahindik-hindik na banggaan ng M/V Doña Paz at M/T Victor sa Mindoro. Humigit-kumulang sa 4,000 katao ang namatay.

Mahigit 14 na taon na ang nakalilipas subalit patuloy pa rin itong nagdudulot ng takot sa ating mga kababayan at pangamba naman sa mga awtoridad.

Natatandaan ko ang isang column sa isang pahayagan na naglathala ng sanaysay ng aking yumaong ama na si Commodore Jaime C. Jimenez, Sr., matapos ang trahedya. Iminungkahi niya ang mga sumusunod: 1.) Ang pagkakaroon ng isang tanging ahensiya na magpapatupad ng mga batas ukol sa sea safety; 2.) Pagpataw ng kaukulang parusa sa mga dapat managot sa mga ganitong sakuna, kabilang na ang pag-kansela sa mga permit ng mga ito dahil sa kanilang kapabayaan; 3.) Ang madaliang pagbibigay ng hustisya para sa mga biktima ng ganitong mga sakuna.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin naipatupad nang ganap ang mga mungkahi ng aking ama sa mga kinauukulan. Kung kaya naman patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga trahedya sa karagatan.

Nakalulungkot isipin na para sa mga naiwan ng mga biktima ng Doña Paz, tuluyan nang maiiba ang diwa ng kapaskuhan para sa kanila. Hindi lamang sila ang nagdadalamhati.

Noong Disyembre 1999, lumubog din ang M/V Asia Korea sa Bantayan Island sa Cebu kung saan ay siyam katao naman ang nawawala. Nadiskubre raw na sumobra ang dami ng pasahero sa nasabing barko. Kabilang sa mga pasahero ay mahigit 100 mag-aaral na nagsasagawa ng kanilang educational trip, at mga dayuhang turista patungong Boracay.

Sana ay hindi na maulit ang mga trahedyang nabanggit at maipatupad ang Maritime Safety Regulations ng mga awtoridad. Nawa’y ang katuparan ng mga ito ay magsilbing alay natin sa mga nasabing trahedya.

BANTAYAN ISLAND

BORACAY

COMMODORE JAIME C

MARITIME SAFETY REGULATIONS

NOONG DISYEMBRE

PAZ

T VICTOR

V ASIA KOREA

V DO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with