^

PSN Opinyon

Pagdalaw ni Maria kay Elisabet

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Sa Ebanghelyo ni Lukas, dalawang anunsyo ang ginawa sa unang kabanata: Ang tungkol kay Juan Bautista at tungkol kay Jesus. Sa Ebanghelyo ngayong araw na ito, makikita natin si Maria na nagmamadaling pumunta sa isang lugar upang dumalaw kay Elisabet. Ang pagbati ng anghel kay Maria at pagbati ni Elisabet sa kanya nang sila’y magkita ang siyang nagbigay sa atin ng isang magandang dasal, ang Aba Ginoong Maria.

Pakinggan natin si Lukas sa kanyang pantahanang pagsalaysay sa pagdalaw ni Maria. (Lk. 1:39-45)

"Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Judah. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet at buong galak na sinabi, ‘Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!’"


Nagdudumali si Maria sa pagbati sa kanyang pinsan dahil sa magandang kapalarang sumapit dito. Si Elisabet ay nagdalantao. Si Maria rin naman ay dala-dala ang sanggol na kanyang ipinaglilihi. Nang batiin ni Maria si Elisabet, ang sanggol na nasa sinapupunan ng huli ay naggagalaw sa tuwa. Sa ating pananampalatayang Katoliko, nang sandaling iyon, ang sanggol ni Elisabet na si Juan Bautista ay nalinisan mula sa kasalanang mana. Ito ay upang ihanda siya para sa kanyang dakilang misyon na tulungan ang mga tao na tanggapin ang pagdating ng Mesias.

Si Elisabet naman, bilang kanyang tugon, ay pinagpala si Maria at pinapurihan siya sa kanyang pagsabi: "Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!"

Sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito at mga batian, binuo ng Simbahan ang simple ngunit magandang dasal na Aba Ginoong Maria.

Sana’y palagi ninyong dasalin ito nang may galak at pagtitiwala. Nakikinig si Maria, ang ating Ina. Tutugunin niya ang inyong mga panalangin.

ABA GINOONG MARIA

ELISABET

ESPIRITU SANTO

JUAN BAUTISTA

KANYANG

LUKAS

MARIA

PANGINOON

SA EBANGHELYO

SI ELISABET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with