^

PSN Opinyon

Iwasang magpaputok

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Kahit na 12 araw pa bago mag-Bagong Taon, makaririnig na ng mga pagputok. Naging tradisyon na ng mga Pilipino na sa tuwing sasapit ang Bagong Taon ay nagpapaputok sila. Mas nasisiyahan sila kung marami silang rebentador at malalakas na pampasabog. Iba’t ibang klase ang firecrackers at kahit maraming naghihirap ay mas gusto pa nilang bumili ng paputok kaysa pagkain sa noche buena at media noche.

May mga kakilala ako na talagang naglalaan ng malaking halaga para sa paputok at pailaw. Makasabog-tenga ang lakas ng ingay ng mga firecrackers lalo na ang Judas belt at bawang. Sobrang pollution din ang dulot ng paputok sa kapaligiran. Makapal na usok at hindi ka na makakita sa sobrang usok buhat sa mga paputok na sanhi rin ng trahedya.

Marami ang isinusugod sa ospital dahil naputulan ng daliri, kamay at iba pang bahagi ng katawan. Sa kabila ng total gun ban tuwing kapaskuhan ay marami pa ring nagpapaputok ng baril na kadalasan ang ligaw na bala ay tumatama sa mga taong natutulog at tahimik sa loob ng kanilang pamamahay. May mga mayayabang at lasing na nagpapaputok sa kanilang baril tuwing New Year at karamihan sa kanila ay mga pulis na animo’y naghuhuramentado o nakikipag-duwelo.

Iwasan sana ninyong magpaputok sa Bagong Taon para hindi mapahamak.

BAGONG TAON

IWASAN

KAHIT

MAKAPAL

MAKASABOG

MARAMI

NEW YEAR

PILIPINO

SOBRANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with