^

PSN Opinyon

Editoryal - NBI: Baka magaya rin sa Task Force Marsha

-
Malamang na ang kinasapitan ng Task Force Marsha ng Philippine National Police ay mangyari rin sa National Bureau of Investigation (NBI). Iisa ang kanilang kababagsakan – walang kakayahang lumutas sa krimen. Sa nangyayaring imbestigasyon ngayon ng NBI, wala ring liwanag na makita kung sino nga ba ang pumatay kay Nida Blanca. Walang masilip na anggulo na maaaring ikalutas sa mahigit isang buwang kaso ng pagpatay sa aktres. Kung anu-ano rin ang mga lumalabas na report mula sa NBI na nagpapagulo sa imbestigasyon. Gaya ng "showbiz investigation" na ginawa ng Task Force Marsha halos ganito rin ang nangyayari ngayon sa NBI. Marami ang nagdududa at nagtatanong kung may kakayahan nga ba ang NBI na lutasin ang kasong ito. Ipinakita na ng PNP ang kahinaan at pati ba naman NBI ay ganito rin kahina.

Ang NBI ang umukupa sa "pumalpak" na trabaho ng Task Force Marsha. Sa pag-upo ng NBI marami ang umasa na magkakaroon na ng hustisya ang pagpatay kay Nida. Natagpuan ang bangkay ng aktres sa loob ng kanyang kotseng naka-park sa 6th floor ng Atlanta Centre noong umaga ng November 7. Tadtad ito ng saksak at may mga pasa sa katawan. Maging ang anak ni Nida na si Kay Torres ay kinakitaan ng pag-asa sa pagpasok ng NBI makaraang gumuho ang pagtitiwala niya sa Task Force Marsha. Nawasak ang kredibilidad ng Task Force nang ang suspect na si Philip Medel Jr. ay sumigaw na siya’y tinorture ng mga pulis para aminin ang pagpatay. Pinawalang-sala rin niya ang asawa ni Nida na si Rod Strunk.

Hilong talilong sa pagpapaliwanag ang Task Force at pinabulaanan ang mga akusasyon ni Medel subalit sa nangyari’y parang wala nang gustong maniwala sa kanila. Sa isang iglap, nadurog ang kanilang pinasimulan. Isa sa mga naging kapansin-pansin sa kanila ay ang maagang paghahayag ng mga sensitibong bagay na maaari namang huwag munang ihayag sa media. Naging showbiz nga ang dating ng Task Force at nagmistulang tapos na ang kaso kung magsalita si Supt. Nestorio Gualberto, head ng Task Force.

Ngayong ang NBI na ang humahawak, nakikita naman naming sinusundan nito ang yapak ng Task Force Marsha. Hindi dapat ganyan ang mangyari. Dapat ay kumpletuhin muna ang imbestigasyon at kapag natapos na saka magbigay ng kung anu-anong pahayag sa media. Baka sa dakong huli ay "kalabasa" rin ang kalalabasan at pagtatawanan sila ng mga totoong killer ni Nida dahil sa mahinang klaseng pag-iimbestiga.

ATLANTA CENTRE

FORCE

KAY TORRES

NBI

NIDA

TASK

TASK FORCE

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with