^

PSN Opinyon

Maligaya ang Pasko ni Ani

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Masaya ang Pasko at Bagong Taon ni Ombudsman Aniano Desierto. Maliwanag na makalulusot siya sa impeachment na binubusisi ng House of Representatives. Ang Committee on Justice ay nagkaroon ng botohan at 35-5 ang kinalabasan pabor upang ibasura ang reklamo ni Atty. Ernesto Francisco laban kay Desierto.

Tuwang-tuwa si Desierto sa naging resulta kahit na hindi pa ito pinal. Subalit naniniwala siya na hindi mai-impeach. May katotohanan ang sinasabi ni Desierto na takaw-demanda siya at ang buhay niya ay parating nakalagay sa panganib dahil sa pagiging Ombudsman. Ilang ulit nang may nagtangkang pumatay kay Desierto at hindi na mabilang ang mga reklamong naka-file laban sa kanya. Dahil diyan, nagdagdag na siya ng mga bodyguards.

May mga paninira ring kumakalat na ginagamit ni Desierto ang kanyang impluwensiya bilang Ombudsman. Karamihan lang ng galit sa kanya ay hindi na makapagreklamo sapagkat alam nilang wala rin namang mangyayari kung kakasuhan nila ito. Hanggang ngayon marami pa rin ang nag-iisip kung may mga malalakas na taong nasa likuran ni Atty. Francisco na siyang mga nag-udyok upang gumawa ng aksyon laban kay Desierto.

Hindi na rin maitago na si dating President Joseph Estrada at ilan sa kanyang mga taga-suporta ay may galit kay Desierto. Gusto ng mga ito na matanggal sa puwesto si Desierto dahil pursigido itong mapatunayan na may pagkakasala si Estrada sa mga kasong inihain dito.

ANG COMMITTEE

BAGONG TAON

DAHIL

DESIERTO

ERNESTO FRANCISCO

HANGGANG

HOUSE OF REPRESENTATIVES

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with