^

PSN Opinyon

Masarap ang Pasko sa sariling bansa

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAY tamis mabuhay sa sariling bansa at lalong walang kasing-saya kung dito idaraos ang Pasko. Iyan ang nadarama ni Dr. Antonio Talusan na matagal nang naninirahan sa United States. Si Dr. Talusan ang original founder ng ‘‘Kapwa Ko, Mahal Ko’’ public service foundation at naging guest doctor sa aming public service TV show ‘‘MAHAL.’’

Naging panata na ni Dr. Talusan na magbalikbayan tuwing Pasko. Ang kilalang nephrologist (espesyalista sa kidney) na naka-base sa Baltimore, Maryland ay umuuwi rito tuwing Pasko para idaos ang kanilang family reunion. Nagsisimbang-gabi sila at paglabas ng simbahan ay kumakain ng mga kakanin tulad ng puto bumbong, bibingka, kutsinta at suman. Sa noche buena ay engrande ang handa nina Dr. Talusan. Nag-eexchange gifts sila at may mga regalo rin sila sa mga kaibigan at kamag-anak.

Sa panahon ng kapaskuhan ay nanggagamot sila ng libre sa mga maysakit at mahihirap sa San Rafael, Bulacan kung saan isinilang si Dr. Talusan. Katulong niyang manggamot ang kanyang asawa na si Dr. Celia Talusan at ang apat nilang anak na babae na pawang mga doktor din.

Lima na ang apo ni Dr. Talusan at ang mga ito ang pinakamahalagang aginaldo sa kanila ng Diyos.

BULACAN

DR. ANTONIO TALUSAN

DR. CELIA TALUSAN

DR. TALUSAN

KAPWA KO

MAHAL KO

PASKO

SAN RAFAEL

TALUSAN

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with