^

PSN Opinyon

Cabinet member ni GMA pinahihirapan ng CA

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
NAGULAT ako na marami na ring miyembro ng Cabinet ang nakukumpirma ng Commission on Appointments (CA). Naalala ko ang panakot ng mga senador at mga congressman na marami sa mga miyembro ng Cabinet ni GMA ang mahihirapang makumpirma dahil marami silang mga atraso.

Hindi pa rin nakukumpirma ng CA si Sec. Heherson Alvarez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at si Sec. Pantaleon Alvarez ng Department of Transportation and Communications. Sa lahat ng mga miyembro ng Cabinet, ang dalawang ito ang may mga matitinding oposisyon at may maimpluwensiyal na kritiko.

Nagkataon naman na may mga kasong pumutok na hanggang ngayon ay mainit pa ring mga isyu na katulad halimbawa ang telecommunications scandal na pati si First Gentleman Mike Arroyo ay nasasangkot. Nariyan din ang kasong isinasangkot si DOTC Sec. Pantaleon Alvarez sa airport at sa iba pang transaksiyon.

Si DENR Sec. Heherson Alvarez ay pinag-iinitan dahil na rin sa talaga namang sensitibo ang departamentong kanyang hinahawakan. Si Mayor Lito Atienza ng Maynila ay isa sa masugid na kritiko ni Alvarez. Grabe ang labanan ng dalawa tungkol sa isang lugar sa Maynila. May mga kaso rin siyang dapat harapin sa Korte.

Dahil sa hirap na ipinararanas sa mga Cabinet members, may mga nagpanukala na hindi na raw dapat sila ipasailalim sa CA. Ang Executive branch na lang daw ang may responsible sa mga tauhang nasa ilalim nito at ang Legislative at Judicial branches din ang dapat sumagot sa mga tauhan ng mga ito diretso sa mamamayan ng Pilipinas.

ALVAREZ

ANG EXECUTIVE

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HEHERSON ALVAREZ

MAYNILA

PANTALEON ALVAREZ

SI MAYOR LITO ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with