Mapapansin na ang unang tatlong layunin ng Socio-Economic Summit na ginanap kamakailan ay kumakatawan sa problemang pangkaayusan sa ating lipunan. Hindi maikakaila na ito ang pangunahing suliranin na pinagtuunan ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, kung kayat hindi naman kataka-taka na ito ang pinakamahalagang paksa sa pagkakataong ito sa idinaos na Summit.
Bagamat naaayon sa mga pangangailangan ng taumbayan ang mga layunin ng pamahalaan sa nasabing Summit, hindi naman maiaalis ang kanilang pangamba na baka hindi na naman maisakatuparan ang mga layuning nabanggit. Sa tagal ng panahon, marami na ang naunsiyami sa pagsasakatuparan ng mga hangarin ni Juan Dela Cruz. Sa pagkakataong ito, huwag naman sana.
Simula ng Simbang gabi ngayon na siyang hudyat ng kapaskuhan. Sa panahong ito ng agam-agam at kaguluhan sa buong daigdig, mas lalong nararapat ang pagsimba at taimtim na pagdarasal upang matamo naman ang kapayapaan para sa lahat. Sa ating lipunan kaisa ang mga biktima ng krimen at katiwalian sa ha-ngaring ito, lalo na para sa ating pamahalaan na sanay matamo rin ang mga hangarin nito para sa bayan.