^

PSN Opinyon

Ang Mesias na nais nila

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG mga Judio noong panahon ni Jesus ay nagnanais ng isang Mesias na magliligtas sa kanila mula sa mga Romano. Subalit hindi ito ang misyon ni Jesus, Siya’y sinugo upang iligtas ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan. Isinugo si Jesus upang ibalik ang katarungan at kabanalan na nawala sa atin. Isinugo siya upang bigyan tayo ng walang-hanggang buhay.

Ang mga pag-uugali ng mga Judio ay isinalarawan ni Mateo sa Ebanghelyo ngayon (Mt. 11:16-19).

‘‘Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, "Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis.’’ Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak at sinabi nila, ‘‘Inaalihan siya ng demonyo!’’ Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom at sinabi naman nila, ‘‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at maglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.’’


Si Juan Bautista ay isang asetiko o taong nagpepenitensiya. Payak na payak ang kanyang pamumuhay. Ayaw ng mga Judio ng ganitong pamumuhay. Si Jesus ay dumating na nakikikain at nakikiinuman. Nakikipagdiwang siya sa mga tao. Tinawag ng mga Judio si Jesus na mahilig mag-‘‘good time.’’ Ayaw nilang tanggapin si Jesus.

Naiiskandalo sila sa pakikitungo ni Jesus sa mga tagakolekta ng buwis. Sa kanyang pakikisalu-salo sa mga makasalanan. Para sa kanila, hindi siya ang Mesias.

Kayo naman? Tanggap n’yo ba si Jesus gaya nang pagkakalarawan sa kanya ng Ebanghelyo sa atin? Anong uring Jesus ang inyong hinihintay ngayong Pasko? Sana’y matanggap ninyo na si Jesus, na Mesias, ay mahirap, dukha. Minahal niya ang lahat.

ANAK

AYAW

EBANGHELYO

ISINUGO

JESUS

JUDIO

MESIAS

SI JESUS

SI JUAN BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with