Sana'y matupad ang ipinangako sa Summit
December 13, 2001 | 12:00am
Isa sa mga magandang kaganapan sa ating bansa ay ang pagdaraos ng National Socio-Economic Summit sa Fiesta Pavillion, Manila Hotel noong Lunes. Nasabi kong maganda sapagkat walang batuhan at siraang narinig. Pawang sa kabutihan ng bayan ang tanging tinatalakay.
Ganito ang dapat mangyari sa ating bansa lalo na sa panahon ngayon na karamihan sa mga Pilipino ay naghihirap at nagugutom. Marami ang nawalan ng trabaho. Karamihan sa ating mga OFWs ay hindi na nakakuha ng kanilang mga kontrata sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
Maganda ang ginawa ng ating mga lider, matataas na opisyal ng gobyerno, mga kinatawan ng ibat ibang organisasyon at NGOs sa idinaos na Summit. Ewan ko kung kasama sa summit ang kinatawan ng tunay na mahihirap. Mailalarawan nila ang tunay na kalagayan ng mga naghihikahos at nang mga walang-wala sa buhay.
Sana sa natapos na Summit ay makita na nga ang mga solusyon upang maiangat ang kalagayan ng ating bansa. Sana ang ipinakita ng mga pinuno sa Summit ay pangmatagalan na. Walang banatan, walang pamumulitika at pawang kabutihan ng bayan ang atupagin!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended