Mayroon bang himala?
December 13, 2001 | 12:00am
Six to nine months pauunlarin ang ekonomiya? Sounds like a miraculous promise, pero iyan ang pangako ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa katatapos na Economic Summit.
Ang tanong, posible bang gawin ito ng Pangulo? Posible kung may pagkakaisa ang mga umuugit sa pamahalaan. Pero wala. At iyan ang pinakamalubhang problema ng ating hikahos na bansa.
We run around a very vicious political cycle. Magmula nang mapatalsik sa poder si dating Presidente Estrada, lalong tumindi ang giyera pulitikal among partisan officials entrusted to run out government.
At katulad ng kapalarang dinanas ni Estrada nang siyay tambakan ng sangkatutak na kaso kasama na ang plunder, tila ganyan din ang kapalarang dinaranas ng ating Presidente ngayon.
Wika nga ng matandang kasabihan "ganti-ganti ang katwiran, magbabayad ang may utang".
At pagpalagay nating mapatalsik sa tungkulin si Mrs. Arroyo dahil sa mga asuntong ipinaparatang sa kanya, anong buti ang idudulot nito sa bayan?
Ano ang garantiya na ang susunod na Presidente ay magiging maayos ang pamamalakad? May katiyakan ba na hindi niya daranasin ang mga kabi-kabilang akusasyon upang matiwasay na matapos ang termino at bumuti ang kalagayan ng bansa? Wala. Halos natitiyak ko na may mga puwersa pa ring kikilos upang siyay patalsikin.
Friends, what we experience is some kind of a series of coup detat. Only, it is not military in nature but political.
At ang masamang epekto nitoy katulad din ng idinudulot ng military coup. Ang gobyernong walang kinahihinatnan ay walang inaasahang magandang kinabukasan.
As early as possible, dapat nang mapawi ang sobrang polarization o pagkakahati ng bansa. Hanggat hindi nangyayari ito, ang pag-asang umigi ang ating kalagayan ay lalo lamang lalayo nang lalayo.
Let me reiterate an old humor: A banana republic will always have a sagging economy.
Huwag nating bayaang mangyari ito sa atin. O nangyayari na nga ba?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended