Nasa silong ng kanyang bahay si Ka Dinong nang ako ay dumalaw. Doon siya gumagawa ng mga araro. Nakakalat ang pinagkayasan ng kahoy sa mababang lamesa na puno ng kagamitan ng karpintero.
Nakatalungko siya sa dulo ng isang bangko. Tapak ang isang sanga ng kahoy habang kinakayas.
Aba, Doktor, bibili ka yata ng araro," bati niya sa akin.
Umupo ako sa kabilang dulo ng bangko. Hindi Ka Dinong, sagot ko habang nanonood sa kanyang ginagawa.
Tatapusin ko lang ang hinuhubog kong hawakan ng araro, sagot ni Ka Dinong.
Sa kilos ni Ka Dinong ay makikita ang kanyang kahusayan sa paggawa ng araro. Bihasa ang mga kamay. Mahigit dalawang dekada na siyang gumagawa ng araro.
Ilang araro na ang nagawa ninyo Ka Dinong? tanong ko.
Huminto siya sa pagkayas para mag-isip. Hindi kukulangin sa limang daan, Doktor."
Naipagbibili ba ninyo ang lahat ng araro ninyong nagagawa?
Aba, oo naman. Hindi ko nga mapigilan ang mga order sa karatig bayan.
Baka naman dahil sa mura kumpara sa mga tindang araro sa palengke, may halong tukso ko kay Ka Dinong.
"Sa totoo lang, Doktor, ang mga araro ko ang mas mahal kaysa sa mga itinitinda sa palengke.
Dahil ba sa uri ng kahoy na gamit ninyo?"
Hindi, sagot ni Ka Dinong na nakangiti.
Di bat karaniwang gusto ng mga bumibili ang mababang presyo?
Hindi sa akin. Kasi naman ang paggamot ko sa kanila bilang albularyo ay walang bayad."